Si Tetet

10:00:00 PM

Kung tatanungin mo ang mga taong malapit sa pamilya namin kung anong klaseng relasyon meron kami ng nanay ko, siguro sasabihin nila na hindi kami magkasundo. Totoo naman yan ng konti pero sa totoo lang ang SWEET ng nanay namin. Lalo na sa'ming mga panganay na babae.


Tulad ngayong gabi. Iniisip nya ko kung nakapag-hapunan na ba ko. Awww...
September 10, 2011
Tetet: Sinigang na sugpo!
Me: Wow... Bwiset...
Tetet: uwi ka ng maaga.
Me: Baket? Yes. Julian?
Tetet: nasa taas. wala lang. di ka naman kumakain ng hipon. eh kumain na kami kanina pa... binibigyan ko si baby.
Me: So nag message ka para lang mang-asar? Ang sweet mo Ma!

Nag-abala pa talagang mag message para lang sabihin na ang hapunan eh ang pagkasarap-sarap na SUGPO. Na IKAMAMATAY ko pag kinain ko.


Di ba ang sweet?

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews