Jewel, paki ligpit nga 'to.

10:00:00 PM

Ako (kasama si Len at Jigs) na ata ang may pinaka 'malupit' na bunsong kapatid. Itago natin sa pangalang, Jewel Ann. Sobrang sipag nyan. Sampol ng ginagawa nya sa loob ng isang araw.

From the Varsitarian
Photo by Paul Allyson R. Quiambao
Pag may pasok sa school:
Facebook muna.
Ikot.
Kain. Facebook.
Bubwisitin si Mama o Papa o Jigs sa kakaikot nya, bahala na sinong mauna o pwede ding sabay-sabay.
Pasok.
Uwi.
Facebook. Kain. Ligo. Facebook. Ikot. Facebook. Tulog.
Pag walang pasok (kunwari Sunday):
Gising ng mga almost 10 AM.
Ikot o higa ulit.
Facebook.
Pag inabutan ko sya, ikot muna ng konti kung hindi kakain may gagawing iba.
Pag nakalingat ako, facebook o ikot o higa ulit.
Sitahin ko ulit, ikot ulit sya ng konti kung hindi kakain may gagawing iba.
Mapapagod ako, facebook na ulit sya, o ikot o higa ulit.
Hanggang matulog na.
Yan, ganyan sya sa araw-araw na ginawa ng Dyos. At eto lang ang mga bagay na obligado syang gawin:
  1. Sumamba (Iglesia sila ng Nanay ko).
  2. Maghugas ng pinggan.
  3. Iligpit kalat nya.
May 24 oras sa loob ng isang araw at parang ang haba di ba para sa TATLONG gawain nya. PERO. Madalas sumasablay pa yan.

1. Sumamba:
Hindi ako updated sa schedule nila ng nanay ko ng samba. Parang magkaiba ata eh. Magsisimula ang araw na papaalala ng nanay ko na may samba sya ng 2:00 PM. Mga 1:50 eh naglalagay pa lang sya ng eyeliner habang bwisit na bwisit na si Jigs na maghahatid sa kanya. After 10 minutes ng pagkabwisit ni Jigs hindi pa din sila aalis kasi may nakalimutan pa syang gawin. Minsan babalik na sya agad kasi nasarhan na dahil late.


2. Maghugas ng pinggan:
Tinutubuan muna ng mga sariling paa at kamay ang mga plato at baso bago mahugasan. Madalas na dahilan para wag muna nya hugasan: binababad ko pa (damit???), may kakain pa mamaya para sabay-sabay na, walang sabon, walang sponge, teka check ko lang Facebook, ikot pa ko ng madami. Lahat kami high-blood dito, yung nanay ko hindi na masyado. Si Jigs bad trip kasi baka sya ang utusan. Ako din bad trip kasi una nakakainis talaga at pangalawa baka ako ang utusan. Si Papa yan bad trip pag kailangan nya ng kung ano pero walang magamit kasi hindi pa hinuhugasan, tapos uutusan na nya si Jigs na sya na lang mag hugas.


3. Iligpit kalat nya.
Wala naman syang madaming kalat. Pero yung buong kwarto nya ang kalat.

Ganun sya kasipag. Paano na lang pag sinabi kong i-ayos nya ang lahat ng bagay sa bahay in a particular order tulad ng mga 'to?

You Might Also Like

1 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews