Happy Birthday Tetet and Tony: Part 3
11:00:00 PM
** Dahil madaming may birthday sa Muntinlupa Judo Academy (dating MJC) tuwing Oktubre.
** Dahil birthday ni Tetet at Toona
** Dahil malapit na ang 2012 at 20 years na ang club namen.
** Dahil birthday ni Tetet at Toona
** Dahil malapit na ang 2012 at 20 years na ang club namen.
Nung nasa elementary pa lang ako, meron akong ilang classmate na mga anak ng teacher. Iniisip ko kung ano kaya ang feeling na ang nanay/tatay mo eh teacher mo sa school. siguro yan din ang tanong ng iba, ano kaya ang feeling pag ang nanay AT tatay mo eh coach mo din. Hindi nakakatuwa pag sobrang bata ka pa.
Hindi ako close na close as in parang chums sa mga magulang ko. Hindi nga kami natutong magsabi ng po at opo o kayo mag mano o mag beso (tama mga walang magandang asal, hindi naman masyado!). Paano pa kayo yung magsasabihan kami ng sikreto o saloobin? Nakakadiri at nakakatawa.
Nung unang panahon... Baul na baul! |
Pero ngayong medyo tumanda na kami (hello singkwenta na ang tatay ko), parang magbabarkada na lang sa loob ng isang bahay. Madalas pa din kaming hindi magkasundo ng nanay ko sa maraming (maraming maraming) bagay at isa pa rin akong alibughang anak para sa kanya. Kinukunsinti pa din namin ang tatay namin sa mga kalokohan nya (actually, ine-encourage pa dahil sa ice cream at pizza, kami na ang masama!).
Sir Chito, Ate Karen, Ate Diane, Tetet, Pepoy, Kid1, Atchang, Sir Mario, Ate Lita, Ate Bebeth, Tito Lando, Toona, Kuya Darwin, Ate Loida, Baby 1, Kuya Eugene, John Doe, Tito Buboy |
Akala ko may mali sa sistema namin, sa pagpapalaki nila. Hanggang ngayon iniisip ko pa din na dapat eh naging mas strikto sila sa'min para naging mas mababait kami at hindi sumasagot, o kaya prinaktis kami mag po, opo, bless, at beso. Pati yung maging competitive sa academics o basta maging MABAIT na nilalang. Ako pala ang may problema, masyadong malapit ang tingin ko na hindi ko nakita ang bigger picture (ano ba tagalog ng line na 'to?). Hindi ko nakita non na grabe ang naging impluwensya nila sa ibang tao.
Hindi ko ma-appreciate yung ginagawa ng nanay ko para sa iba kasi nga hindi naman kami yumaman o nagkapera, puro sakit pa nga ng ulo at utang ang inabot namin para lang sa mga hindi naman namin kamag-anak pero pinipilit nyang ituloy nila yung paglalaro. Ilang beses na ba syang nabaon sa utang dahil may tournament na parating at kailangang magbayad ng tournament fee, kailangan ng pagkain, pamasahe, atbp. Kung walang pamasahe papuntang training ang bata, bahala na si Batman kung paano magbabayad basta isasama nya.
Napupuno ang bahay namin ng mga player tuwing umaga pagkatapos mag-jogging. Masarap mag almusal nag kape at pandesal na may palaman (kung ano ang meron sa tindahan!) kasama ang mga taong amoy pawis at damuhan kahit pa wala naman sa budget ang pakainin ang mga damuho na yan. Basta meron, gora!
Paki-tag isa-isa. Thank you. |
Napupuno ang bahay namin ng mga player tuwing umaga pagkatapos mag-jogging. Masarap mag almusal nag kape at pandesal na may palaman (kung ano ang meron sa tindahan!) kasama ang mga taong amoy pawis at damuhan kahit pa wala naman sa budget ang pakainin ang mga damuho na yan. Basta meron, gora!
Hindi naman kasing passionate ni mudra si pudra. Remember puro pa nga bulaklak ang lumalabas sa bibig nyan pero hindi naman siguro nagba-bow ang mga tao ng wala lang. Sa mga narinig kong kwento kung gaano sya kagaling at sa experience ko kung paano sya kagaling mag turo, bakit hindi sya sumikat? Bakit hindi sya naging katulad ni John Baylon na 8 or 9 times na gold medalist sa SEA Games? Nakakairita talaga.
Sabi non ni Joker sa The Dark Knight, "If you're good at something, don't do it for free." o parang ganyan. Kaya nakaka-frustrate sa'kin dahil ang galing ng nanay at tatay kong magturo at mag coach ng players pero hindi namin mapagkunan ng limpak limpak na salapi, puro palabas pa ang pera. Yung bagong boss pa ng utol ko, ang yaman yaman dahil sa Judo, bakit di namin gawin yon? Ang galing nila sa mga ginagawa nila pero bakit nauuna pang ma-promote ang mga walang utak at pinagkaitan ng talent?
Nakakahiya dahil ngayon ko lang na-realize kung bakit ganon.
Hindi naging judo player at coach ang nanay at tatay ko para magkapera.
Hindi 'to trabaho na pagkakakitaan.
Hindi basta sport na nilalaro.
Hindi money maker ang tingin nila sa mga gustong mag judo tulad ng iba, mga anak ang turing nila sa bawat isa.
Hindi rin promotion ang target nila kung pinagtatyagaan nila ang judo, gusto nila na maging magagaling ang mga batang madungis na pagulong-gulong sa mats tuwing Sabado at Linggo.
Hindi isang hobby na pag hindi na masaya eh titigilan mo na.

Madalas pa rin kaming hindi magkasundo ng nanay ko sa maraming bagay (tulad ng flavor ng ice cream at cake, paano mag facebook, make-up, at mrami pang iba!) at nakakainis pa din ang tatay ko dahil maloko pa din sa pero pagdating sa prinsipyo, pagiging coach at leader, at pakikisama sa ibang tao, madami pa kong kakaining kanin (oo kanin, hilaw ang bigas kaya).
Dahil sa kanila, hindi na basta-basta ang standards ko sa mga coach at leader, tinaas nila ang pamantayan. Hindi porke marunong ka magturo eh pwede ka nang tawaging coach o kaya porke matagal ka nang player eh pwede ka nang mag turo. Lalong hindi ka pwedeng maging leader kung hindi mo kayang maging responsable sa mga taong umaasa sa'yo. Walang lugar para sa mga pansariling gusto, nauuna lagi ang tama para sa nakakarami, sa grupo.
Salamat ng marami Tetet at Toona.
0 comments