Happy Birthday Tetet and Tony: Part 2
10:00:00 PM
Nung nasa elementary pa lang ako, meron akong ilang classmate na mga anak ng teacher. Iniisip ko kung ano kaya ang feeling na ang nanay/tatay mo eh teacher mo sa school. siguro yan din ang tanong ng iba, ano kaya ang feeling pag ang nanay AT tatay mo eh coach mo din. Hindi nakakatuwa pag sobrang bata ka pa.
(continuation ng Happy Birthday series...)
PART 2: Itago natin sa pangalang TONY.
Si Tony naman halos kabaliktaran ni Tetet. Sya yung tipikal mong maangas. Pag sinabi na ni Tetet na: "Dadating si sir tony nyo." parang gusto nang mag siuwian sa takot. Oo, talagang nakakatakot sya. Nginig factor and all. Nag yoyosi pa yan sa gilid habang pinapanood kami kung tama ang ginagawa namin at pag randori na naku po kanya-kanya ng dasal na hindi matawag para hindi mapalo ng belt at masigawan.
Hindi sya ang da best candidate sa "Ulirang Asawa" category. Hindi rin siguro "Da best Tatay" sa pamantayan ng iba pero iba lang talaga ang angas at asim ni Tony.
1. The Ultimate Cook
Na-experience mo na bang wag tumayo sa kainan kahit puputok na ang tyan mo sa kabusugan dahil SOBRANG sarap ng pagkain? Laging nangyayari yan sa'min pag sya ang nagluluto. Must try ang adobo, nilagang baka, chopseuy, sinigang, at kahit pa batsam!
2. The Ultimate Host
Hindi uso sa lugar namin yung pyesta tapos maghahanda ka at mag-entertain ng bisita pero ibang klaseng punong abala si Tony. Lahat ng importante hindi nya nalilimutan pag kailangang mag estima ng bisita. Kaya nga tinayo ang Ku-bo dahil dyan. Mas maganda pa ang Ku-bo kesa sa bahay namin. Mula sa tissue, ash tray, mga kubyertos, pagkain, entertainment, at pagkain, kumpleto yan. Partida wala pang kwento yan. Andun lang sya sa kasiyahan, wala namang sinasabing importante o nakakatawang joke pero lahat ng bisita eh hindi umuuwing malungkot. Parang tinginan pa lang sa mata eh alam na.
3. Don Pacundo
(Narinig ko lang na ang tawag sa mga galante eh Don Pacundo) Hindi ko alam kung ako lang ba ang may talent na maamoy kung may pera o wala si Tony. Kahit pa isang milya ang layo nya, alam ko kung may pera ang wallet nya o wala. Hindi nya ugali ang palibre (bukod kay Tetet). Talagang nauuna syang bumunot. AT napakadaling hingan pag meron talagang ibibigay. Lalo na pag kaharap ang friends and/or pag lasing. Ay naku, no fail! Recently lang eh bumili sya ng magandang TV (think of LCD and malaki) hindi para panoodan. Nakabukas lang yan para makatulog sya. Yep, nakabukas magdamag ang maganda nyang TV para tulugan lang. Pag pinatay mo nagigising! Hello Meralco bill.
4. Man of few words
Madalas ang maririnig mo sa bibig nya kahit pa ano ang disposisyon nya sa buhay eh Pu**ng **a. At lalo na ang mga pabaliktad nyang uso, "batsam" (tsamba), "goli" (ligo), "wankata" (katawan), "enka" (kain), "asmal" (malas), atbp. Meron din syang mga salitang ewan kung san nya napulot, pa-doggy doggy (pa-aso-aso, tamad).
5. His doppleganer is... Jimmy Santos!
Nanonood si Julian ng Eat Bulaga non (mga 3 years old siguro sya) tapos nakita nya si Jimmy Santos at sabi nya, "Si Lolo Toona!"
6. Maangas personified
Kasi naman talagang hoodlum na tinubuan ng tatay, what do you expect? Kung anu-anong kabulastugan ang ginawa nyan sa manliligaw ko (actually, sa iisang tao lang naman), naglinis at nagkasa ng baril sa harap namin at ang pinaka nakakaiyak, yung hinubad nyang medyas, hinagis ba naman sa mukha nung guy. Buti talaga hindi namatay sa baho, promise. Wahahahaha!
7. The Judo Legend
Si Tony ay si sir Tony dahil sa mga sumusunod: a) walang kapawis-pawis na sweeping, b) walang kapawis-pawis na hip throw, uchimata, harai, seionage, at lahat na ng tira!, c) walang kapawis-pawis na diskarte kahit sa grappling, d) at walang kapawis-pawis na confidence sa gitna ng mats. Ang nakakaloka eh wala syang binibida tungkol sa mga kalupitan na yan, sa ibang tao mo pa talaga maririnig.
Tulad ng sabi ko, malayo sya sa perpektong tatay pero tingin ko wala namang nagrereklamo sa'ming magkakapatid. Nagkaroon din ng time na matagal kaming hindi nag usap kasi nga Mr. Suave ang lolo mo. Pero, hindi naman kasi sya salbahe sa'min kahit pa nakakatakot sya nung lumalaki pa lang kami. Nakatulong din sa'ming mga anak nyang babae na ganun sya kasi tingin ko, yung tatag naman eh sa kanya mainly galing.
Ako personally, sa kanya ko natutunan yung wag ka matinag kahit pa mas maraming pera sa'yo ang mga kasama mo. Kailangan magkaroon ka ng isang bagay na hindi kaya tumbasan ng pera nila. Hindi mo kailangang maging sipsip para mahalin ka ng tao at lalong hindi mo kailangang magkunwari para magustuhan ka nila. Wag ka lang kupal yun na yun.
Para sa'yo Lolo Toona, maligayang bati!

Pasensya na at tulog pa ata sya nang kunan ng picture at hindi nya alam ang ginagawa nya. |

0 comments