Muni-muni
7:59:00 PM
Hindi ko alam kung pagkatapos kong gawin ang post na to eh maiiwan sya sa draft o mapupublish ba. Bukod kasi sa ikakatuwa to ng nanay ko eh ubod ng ka-emohan. Dahil tinatamad akong maligo kagabi pagkatapos kong mag cityville ng walang humpay (like everyday), nag trip down memory lane ako sa judo days ko. Yup, ako ay isang judo player. Kung ano ang judo na yan, click dito.
May 12 years din akong judo player. Parang ang tagal noh? Tae, ang tagal talaga. Nagsimula ako mga 6 years old ata tapos tuloy-tuloy hanggang makagraduate ako ng college tapos nun pasundot-sundot na lang, hindi na masyadong adik. Kung paano, saan, bakit ako nag judo is a whole different shit. Next time na lang.Asan na ba ko? Teka, ayun! Iniisip ko kasi kung ano bang mga nahita ko sa pagjujudo ko.
Makapal na mukha.
Eto hindi ko sure kung pinanganak talaga kong ganito o na-acquire ko sa judo. Mahirap malaman eh. Palaging yan ang pambenta ng nanay ko (na sya ding coach ng judo club namin) sa mga magulang ng mga bata. Syempre ang laging interesado sa martial arts na magulang eh yung may mga mahiyain at patpating anak na gustong 'tumapang' ang anak nila. Kesyo mabi-build ang confidence ganyan achuchuchu. At isang malaking CHECK! Wala pa kong nakilalang judo player na mahiyain, may manners, mahinhin, o walang baboy sa katawan. Kung ang mga teachers bida-bida o pabibo, ang mga judo player wala, plain makakapal lang ang apog, walang inuurungang opportunity lalo na pag kainan at hindi sila ang magbabayad.
Walang porma.
Pag nakikita ko yung pictures ko nung highschool, putangna talaga. Kadiri. Hindi naman ako banidosa ha, pero pakshet talaga. Para kong tomboy I swear. Wala akong alam na landi sa katawan. Wala akong hilig sa mga fitted shirts o sandals kasi marami kami sa bahay na mga judo t-shirts, track suits, at rubber shoes. Well, epekto din yan ng nanay na kinulang sa landi sa katawan. Mas mulat ako sa mga brand ng uniform namin na saksakan ng mahal, mga kung anu-anong pads (para sa siko, tuhod, ankle, at kung saan saang pang pwedeng ma-injury) kesa sa mga girlie na bagay. Ang make-up eh college ko na natuklasan, pati high-heels, palda, and the likes. In short, college ako naging pokpokita.
Tomboy o one of the boys.
Simple lang, kasi coed ang sport. Pinapalaro ang mga babae sa lalaki at royal rumble na. Hindi pasosyal ang judo katulad ng, uhmm, golf, gymnastics, ice skating, o horse back riding kasi dito ang mga pawis mo meet and greet ang pawis ng iba. Maraming awkward na position kayong mapupuntahan pero hindi nyo napapansin. Masisinghot mo mga kasingit-singitan ng mga nakakalaro mo. Hininga, kili-kili, paa, singit, pwet, tenga, ilong, kamay, lahat! Kahit hindi kayo magkwentuhan eh kilala nyo na ang isa't-isa, iba ang level ng closeness. Kaya nakakatawa ang mga baguhang boys pag practice na at nag full mount ka, kala mo eh kinikiliti sa pwet.
Maskulado.
Dati nagbibihis ako sa harap ng ex-boyfriend (tanga, nagbibihis lang, wag ka nang sumegue). Eh nakatalikod ako tapos naghuhubad ako ng t-shirt. Sabi nya, "Wow." Akala mo naseksihan sa'kin? Hindi naman ako mataba nito pero napa-wow sya sa cuts ko sa likod. Yes, may guhit guhit ang likod ko punyeta. Dinaig ko sya. Problemang mabigat yan ng karamihan sa mga babae, pwede kang mauntog sa biceps nila. Example na lang ang utol ko. Hehehehe..
Crash dieting.
Isa ito sa mga skills na talagang natutuwa ako at natutunan ko. By weight category ang judo. Meron kang weight na i-maintain unless gusto mo o kaya mong lumaban sa kahit anong weight. Normal sa buhay ng isang judo player ang mga ganitong bagay: sauna suit (yung silver), makapal na jacket, rubber shoes, pag convert ng timbang ng mga pagkain at parte ng katawan. Naranasan kong mag jogging ng tirik ang araw, mag jumping rope, at akyat baba sa hagdan nung sinamahan ko si Ate Karen. Sampung kilo lang naman ang kailangan mawala sa loob ng isang buwan. Mahirap? Parang hindi naman para sa kanya. Pag player ka at wala kang metabolism na super, kailangan alam mo ang diprensya ng iba't ibang klase ng weighing scales (bathroom, digital, at yung old school na madalas makita sa ospital), pati ang bigat ng mga damit mo (per piece, at pag tuyo o basa sila), alam mo din kung ilang kilo ang mawawala pag tumakbo ka mula dito hanggang doon. Alam mo dapat yan lalo na pag overweight ka. Pag kulang ka naman sa bigat, automatic ang saging at tubig at kung anu-anong trick para magoyo ang digital na timbangan pati yung taong tumitingin ng timbang mo. Well, hindi pa ata ako na-underweight ever so hindi ako maka-relate sa problemang 'to masyado. (Ibang kwento pa ang mga horror at funny stories ng mga nao-overweight)
Injuries.
Isang dislocated at sprained na siko, nabaling daliri sa paa at kamay, katakot-takot na peklat dahil sa mat burn, mga pasang gumaling na at basag na ipin. Yan ang koleksyon ko. Wala naman bongga tulad ng ACL sa tuhod ng utol ko o torn ligament + sprain + baling ankle ng teammate ko. At wala pa din akong chicharon na tenga na common sa mga katulad namin (tignan mo yung mga tenga ng jiu jiutsu players sa UFC at magegets mo ko). Pero dyahe pa din pag malamig ang panahon, sobrang sakit ng mga putangna. Gastos pa sa mga brace, athletic tape, at pagpunta sa PT. At ang panget talaga ng paa ko dahil sa mga nabaling daliri, puro baluktot.
Atbp.
Pagod na katawan, missed gimiks (dahil may training), missed classes (kasi napagod sa training), missed out of towns (kasi may training pa din), missed TV programs (kasi may training), missed a lot of things dahil kailangang sumipot sa training! Nung bata pa kami hindi namin alam na magkakapatid ang magbakasyon tuwing summer sa ibang lugar katulad ng mga normal na bata kasi kailangan naming mag practice para sa big event (national competition). Pati weekends, di ka makapagpuyat o gumising ng tanghali kasi ginigising na kami dahil .... training. Palaging ganun. At hindi pwedeng basta mag-amok dahil ang coach namin ay ang (tsantsararan!) si mudra mismo. Nung college naman, scholarship ang nakataya kaya kahit bulakbol mood ka eh hindi pwede. Feeling ko ang dami kong kalokohang hindi nagawa kasi ... may training.
Parang so far, wala pang maganda noh? Kung tutuusin mas maraming hirap talaga. Biruin mo gagastos ka at magaaksaya ng oras para sumakit ang katawan mo at mamuhay ng kakaiba sa mga normal na tao. Well hindi naman talaga normal ang pamilya namin dahil ... (wait for it) lahat kami (including mommy, daddy, sisters, and the brother) ay nagjujudo. Kung hindi pa tama yan, pati mga pinsan ko eh ganun din. Sa ibang post na ulit ang kwento ng pamilya. Eto pala picture namin ng utol ko at grabe Chong, payat mo dito.
0 comments