Julian's first birthday party

12:40:00 AM

Hindi 'to birthday ni Julian pero ito ang pinaka unang kiddie birthday party na napuntahan nya. Hindi ko na mataandaan eksakto kung kelan ako minessage ni Rhea (mommy nung may birthday) ng ganito:
Birthday ni Migs sa Sunday
Punta kayo
3pm ha?
At syempre sumagot ako ng:
Sige. Thank you!
Costume party yung birthday at dahil meron na syang costume ni Green Lantern at Batman di na namin problema ang isusuot nya. Gift na lang at presence namin ang kulang.

Pagdating ng Sabado (bisperas ng birthday), nag fitting muna ang Julian ng costumes. Una ang Green Lantern. Siguro mga dalawang taon sya nung binili ng daddy nya ang costume. Kaya nung sinuot halos kalahati na ng binti ang iksi at talagang skin tight ang drama ng costume na 'to pero feeling ng mag-ama pwede na so okay na din ako.

Kinabukasan, ginising ko sila ng medyo maaga (10:30AM) kasi magpapagupit pa, bibili ng gift, lunch, maliligo, at maglilinis pa ko. First stop, pagupit. Medyo struggle tuwing papagupitan ang baby namin kasi nuknukan ng likot at arte. Nangangati sya dun sa mga nagugupit na buhok na dumidikit sa balat nya kaya panay kamot dito kamot doon. Buti hanggang ngayon eh hindi pa nagugupit ang tenga. Medyo OC ang nag gupit kay Julian. Talagang binusisi nya ang gupit na sa sobrang busisi tinanong na sya ni Julian ng:

Kuya hindi pa tapos? (ulitin ng limang beses)

(Intermission: Dahil sa tagal ng gupitan scene, nagutom na kaming tatlo at kumain muna sa Jollibee tapos bumili ng DVD kela Grace)
Next stop, gift. Napakahirap nito kasi kasama naman si Mr. Bili ng Laruan. Spoiled kasi kay AJ ang baby namin kaya konting ungot ng laruan, bili naman. Buti na lang uso ang toy kingdom sa palengke kaya mura lang ang mga pwede nya piliin.

Pag uwi, naglinis muna ako ng kwarto habang nagkakalat si Julian ng mga bagong biling toys nya. Si AJ naman nag survey muna dun sa party. Bandang 2PM pinaliguan ko muna si Julian. Sinuot na ang green lantern na costume kaso may problema, may malaking butas sa may pundya. Buti na lang andyan ang batman.

And off we go to Migs' party!
 
First parlor game: Stop Dance! (Di ba dapat Dance stop?) Dahil sa parlor games ko na-realize na stage mommy ako. Kinakabahan ako kung anong klaseng 'dance' ang gagawin ng alaga ko. May mga pautot ang mga clown (na mukha talagang mga ex-con sa likod ng make-up), pag nag stop ang music, hindi lang basta mag stop ang mga bata, may ipapagawa sila at dapat mag-freeze sila sa ganong posisyon. Ay kailangan pala may partner sa game na 'to.
Tapos stop! Unang gagawin, itataas ang dalawang kamay.

Play uli ang kanta, DANCE!
STOP!
Hawakan ang ilong ka-partner: Check!
Next game: gagayahin yung eksaktong sasabihin ng clown. 2 lang ang magkalaban pero pag natalo yung isa, mapupunta dun sa panalo ang price tapos kukuha ng ibang contestant. Pag panalo ulit, kanya ulit price nung kalaban and so on. Unang salang si Julian at ang batang partner nya dun sa stop dance. Explain explain ang clown. Unang sabak, dun sa partner ni Julian.
Sabi ng clown:
Isa
Sabi ng bata:
Isa po!
Nagtawanan ang lahat. Napikon ang napahiyang bata. Binugbog ang clown. Talo sya kaya kay Julian ang loot bag nya. Nung si Julian na nasunod nya lahat ng sinabi ng clown.
Pusa. Aso. Kotse. Pula. Anong kulay ng kotse?
Palakpak ako! Eh ang gagong clown nagtanong:
Anong pangalan mo?
Na syempre sinagot ni Julian ng:
Julian!
Talo sya pero hindi napikon at lalong hindi nambugbog ng clown.

Pusa.
Aso. Kotse. Pula.

Anong kulay ng kotse?

Anong pangalan mo?
Pagkatapos ata ng game na 'to eh chibugan na. At katulad ng ibang bata kumain ng bongga si Julian, spaghetti, chicken, hotdog, at madaming dirty ice cream. Pati pala iced tea. May isa pang game ata di ko na matandaan masyado. Tapos nun nag magic show na ang clown at talagang front row seats ang gusto ng batman. Nag enjoy naman sya. Ako hindi.
Hindi ko din tanda kung nag blow ba ng candles sa cake yung may birthday kasi tulog na sya. At nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nagdutdot dun sa cake ang anak ko di tulad ng isang batang naka blue. Talagang tinitigan nya yung cake tapos dahan-dahan nyang kinuha yung bulaklak sa gilid ng cake. Solb!
Nag-enjoy ako dun sa party dahil sabi ni Julian eh masaya daw. At kahit na gusto nyang harbatin yung lahat ng regalo sa mesa, nag behave naman sya. At isa pa, trip na trip nya yung mga pakulo ng dalawang clown na 'to.
Kaya salamat sa mommy at daddy ni Migs dahil sa bonggang pa-birthday kahit na half the time eh tulog si Migs o kaya masungit. Mukhang kukuha kami ng clown na magaling mag magic at dalawang *ugh* dirty ice cream cart (yun ba tawag dun?) sa birthday ng batang 'to.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews