I hate liar.

4:35:00 AM

Galing trabaho, papunta ako ng mall para kunin yung pinagawa kong laptop. Habang nasa jeep papunta dun, may mga kasabay akong mga estudyanteng lalaki. Madami sila, siguro mahigit lima. Tapos maiingay kaya imposibleng hindi mo marining pinag uusapan nila. At dahil na din likas akong tsismosa, nakikinig ako.

Pinag uusapan nila yung isang teacher nila na kups ata pero bobo daw mag english. Ganito yung flow ng usap:

Boy 1: Teacher pa naman sya pero ang bobo nya mag english. Sabi nya: "You are liar." Teacher ka tapos ganon ka mag english? <may point si kuya dito>

Boy 2: Oo nga eh.

Boy 3: Dapat sinabi nya "I hate lying."

Boy 4: O kaya I hate liar. Di ba tama naman yun?

Ayos.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews