Sunday Affair Part III: Music 21

1:54:00 AM

Shortly after having lunch at Deacon’s christening and birthday bash, my mom, sister, and I went to Music 21 in Timog! Even the heavy couldn't stop us. "Sayang ang make-up!", my sister and I told ze mom.

Tricycle, bus, MRT, tricycle, and voila! We were in Timog in no time. Ulan pala ha. Walang ulan ulan sa mag-iinang gala!
PhotoGrid_1371456289889[1]
Not sure if it was my mom's elem or high school class' reunion, gusto lang namin kumain ni sister.

Anyhoo, when we got there, my mom said we could probably operate the videoke machine (line up songs) since we're the bagets in the group. Sure no problem. Until one of asked us to quickly look for this and that song and queue as many as we could. Taray! May assistant. I was busy with my phone so I let the sister take care of the requests. Ayoko nga ma-stress sa requests no. Pumunta ko dun para samahan si mader at kumain, hindi pumindot sa remote. So imbyerna na ko kay Ate, pinipilit ko na si sister na kumanta na para mahiya na sa balat nya yung maligalig na Ate. Yun pala! Akala nya nagtatrabaho kami dun sa KTV and yun talaga ang silbi namin sa mundong ibabaw, maghanap ng kanta at ipindot sa videoke! Syempre funny story na lang pero kung hindi lang nakakahiya sa nanay ko at ibang nice na taong andun, excuse me ha! Naka uniform ba kame na may nakalagay Music 21?! At hello, ganda naming mga babae para maging taga-hanap lang ng kanta at pumindot sa remote. Joke lang. Parang nagkamali lang talaga sya.

Ang ending, umarte ang sister (kasi hindi maka-connect sa WiFi, belat!) at hindi kumanta, naubos namin ang pizza (sarap ha, in fairness), na-realize kong ilang years from now, ganun din ang reunion namin, at OA tumawa ni mother (parang malalagutan ng hininga, I swear!).

Sakto may couple na taga-Laguna so sinabay kame sa sosyal nilang Pajero, kaya bahay na agad kameng tatlo.

Yun na ang ending ng Sunday na 'to. Exhausting but super fun. How was your weekend?

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews