Eat in Lam Tin Banawe

7:41:00 PM


Pabalik-balik kame sa Banawe since January this year, madalas lunch time. So sabi sa Google, isa daw sa da best kainan eh ang Lam Tin, isang kanto lang ata from NLRC.
Hindi ko na mabilang ilang beses kame dito kumain. Basta hindi pa kame kumain sa iba basta mapadpad kame sa Banawe o we're around the area.

Walang mataas na expectations kasi simple lang yung lugar at ang mura ng food! Ready na kame to get what our money was worth tapos bam! Ang sarap pala. Yung ikot mata and palakpak kind of sarap.
 








Lagi naming order ang yang chow rice and hototay soup. We've tried yung crispy spicy spareribs (basta parang ganon tawag), lumpiang shanghai, gambas, siomai, fried chicken, sago't gulaman, and shakes. Lahat masarap! Medyo di bet yung chicken, compared sa ibang dish ha? Hopefully maisipan namin mag try ng iba like yung mga noodles and other dimsums nila.

Generous ang servings at di cute ang ingredients. Hindi cute yung mga shrimps sa rice, dimsums, and other dishes na may shrimp. Everything was done right! 

Kahit na ang daming tao lagi, service was pretty okay. You can see na everyone's running about and attending promptly sa mga customers. Kahit yung manager eh nag se-serve ng orders so mas madali wag mainis na medyo matagal order nyo. 

If you've ever been to Banawe, you should know na God level ang hirap humanap ng parking. So magbaon ng patience and magandang asal. 

Lam Tin's your go-to place kung bet mo kumain ng masarap, madami, and pasok sa budget. Pwedeng pang family, kain with friends, or with your jowa.

Lam Tin Tea House Menu, Reviews, Photos, Location and Info - Zomato

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews