Desserts at La La Funland

11:39:00 PM

Good decision wag ubusin yung steaks when we had lunch at Snackaroo! May space pa for dessert!

I don't remember pano ko ba nakita tong La La Funland at bakit ako nagpumilit na dito kame mag dessert.

So ayun nga, after mag steak sa Kamuning, dito na kame pumunta for dessert. Challenge hanapin ang place kahit na may Waze. For some reason hindi sya lumalabas sa search. Mga ilang ikot sa Little Baguio area and tanong sa mga guard bago nahanap. Worth it naman kahit na konti pa eh na-high blood nanaman kasama ko.

Bet yung chairs na ganyan ang legs. Sa pinterest ko lang nakikita yan eh.
Mirrors and naglalakihang windows. Bet for natural light!
Cute lang ng lamps.
Of course I'm a sucker for chalkboards and magagandang jars and baso.
Ang panget lang ng kuha ko. Hindi ko kasi alam pano umanggulo! 
Mga mga for sale dun sa gilid malapit sa kanto. Hindi na ko masyado lumapit at baka mapagastos pa ko lalo na may nakita akong mga masks!
Love the ... Ano bang tawag sa ganyang ilaw??? Medyo ang taas lang nung table o maikli lang katawan ko talaga. 
The place was empty pag dating namin which we liked! Medyo tao-phobic kame, mas konti ang tao mas okay. Cute yung place. Di overly girly o hipster, sakto lang na hindi OA sa sobrang mismatched ang chairs and tables or artsy fartsy sa decor. Minsan kasi pag ganon feeling ko baka ibig sabihin di okay ang food, naubos ang effort sa place. 

Okay dito for dates or food trip with amigas. Maganda ilaw for selfies eh.

Anyhoo, ang target ko talaga eh yung smores brownie! Medyo nawala ako sa focus when I saw the menu. Daming pwede kasi buti na lang eh di na ko nagpa distract. So we ordered yung smores brownie and peach mango tango.
Peach Mango Tango - PHP 140
I Want S'mores Brownie Skillet - PHP 295
Perfect yung smores brownie sa kape sana pero I've been coffee free for two months na ata. Ayoko naman magpakarupok today! I was expecting na it'd be super sweet pero hindi. Manipis lang yung brownie tapos gigantic yung broiled mallows sa ibabaw. Di ko sure kung may grahams sa pinakailalim kasi busy na agad sa paglamon. Malaki yung serving. Mga 4 na tao siguro keri. Naubos namin half then inuwi ang natira.

Hindi ko masyado tinikman yung peach mango tango kasi hello may mangga. Judging from how fast sya naubos ng kasama ko tapos puro muffled sounds na lang naririnig ko sa kanya, aba malamang nasarapan.

Aside from the food and place, nice din na the owners (ata?) were warm and nice. Nakipag chikahan pa sakin. Medyo naalangan ako kasi bukod sa wala silang pores, hindi pa kame naliligo. Alam mo yung chikadora pero di nakakairita kasi feeling close? Yon! At ang ganda nila eh. Skin goals lang.
Free Mango Milksake on our next visit!
Before we left, binigyan pa kame ng vouchers for a mango shake! Kakatuwa lang. May videoke something daw bukas kaso madaming tumbling from Alabang to eh.

Anyway, sana ma-try namin yung ibang items sa menu. We saw na they have ribs and fried chicken!

La La Fun land
Second Floor, Wilson Square Building, 199 Wilson Street,Little Baguio, San Juan City
02 6567613

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews