BAI-CDT goes to Balay Celina (day 1)

1:12:00 PM

"Maya sama ka next Friday. Puntang Liliw Laguna", sabi ni Ms. Bella. Being the kaladkarin girl that I am, "Okay." Naawa sila sakin kasi mag-isa na lang daw ako sa department ko.

So Friday, July 8 eh bagyong bagyo! Suspended ang classes nga eh. So ako naman chill lang at naghihintay na may magsabing cancelled na, pero no, push!

After makipag chikahan ng light, kumain, at mag games ng konti, nakatulog na agad ang kaluluwa ko. Liliw na kame agad pag gising ko.

Sa website palang ng resort, nagandahan na ko pero hindi ko inexpect na bongga sya in person!

Here are the photos of the place pagdating namin. Fresh pa from ulan.  Couldn't get any photos upon landing. Yung from the gate up to the house. Because ulan and putik.

Note: None of the photos were edited. I used my phone to take the photos (Z1 Xperia compact).

Entrance to the main house
Pretty details sa door o.
Pagpasok, may mini pond na may mga bonggang halaman and borloloys. 
Once corner in the lobby
Left side of the lobby
Another corner
Going to the girls' rooms
Very spacious room! Maybe 10 can fit here
Large windows too. I love the lalagyan ng unan sa gilid.
Entrance to the bedroom. Kasya isa o dalawang mattresses pa dito.
High ceiling. Perfect.
Super luwag di ba???
View from our room's door
View from the outdoor dining. Unedited yan, no filter! Going to the pool and boys' cabana.
Outdoor dining space. 
Pool!
Looks scary and parang matutumba any time but it's pretty nice. Luwag sobra sa loob. Ewan ko lang pano ka aakyat pag lasing ka na.
From the pool
From the pool
Chill by the pool
Ninja lang eh Ms. Bella!
Ms. Bella, Ms. Sol, and me!
Shot from the cabana. Hello ladies!
So madaming picture taking ang naganap and pag explore ng place. It's relatively small pero ang saya to be surrounded with lots of plants lang. After magharutan at mag picture, swimming, harutan, activities and games na.

This is my only photo ng activities nung may araw pa. Busing-busy din ako sa pakikinig. Level up ang 2 truths and a lie! Naka ppt na, may audio pa. It was nice to learn more about these peeps. All are relatively new, from my end ha? Ilang piraso na lang ang kilala ko from way back. They're fun people and ang be-behave!

After ng games and activities, naglaro na ang mga bagets while ang mga 'tita' eh nag chikahan na lang kasi ang lamig ng tubig para makisama sa swimming nila and basically we're too exhausted to move. Napag tripan na lang namin ang shrimp crackers habang nag hihintay ng dinner. Chikahan and more picture taking!

Intermittent yung ulan. Buhos kung buhos. This is the view after umulan ng bongga and medyo dumidilim na.
Inside the lobby nung gabi na. Ganda ng lighting sa loob.
One corner
Here's the left side from the main entrance
Usapang trabaho pa din sila. Ms. Arlyn and Ms. A arrived late kasi fresh from Palawan pa si Ms. A.
Ang mga titas. Ms. Kay, Ms. Bella, and Ms. Sol.
Mainggit talaga kayo sa dinner. This is one of the best I've had in my life. Nung una medyo in doubt pa ko kasi hindi ako kumakain ng okoy (shrimp), bagoong (talong with bagoong), at lalong hindi ako kumakain ng weird na gulay (paco salad). But boy I was so wrong. ANG SARAP! Ang naging issue ko eh pano ko kakain ng marami. Liempo is masarap, given na yun. Kahit ano pang luto ng liempo. The okoy was crispy na hindi ka matutusok ng kung anong laman nya. Hindi din malansa at perfect yung suka. I love talong pero hindi yung may bagoong, pero ang sarap ng pagka gisa. May red bell peppers pa at ang sarap sa kanin nung oil nya. Lastly, ang paco salad. It's paco, with tomatoes, may onions din ata, salted egg, then may vinegar dressing. Perfect with the crispy okoy or liempo. At ang kanin! Kahit gano kasarap ang ulam, pag loser ang kanin, walang kwenta ang kain. Ewan kung anong bigas yun pero close to Jasmine rice sya, mabango, maputi, medyo sticky, and fluffy.
Liempo, okoy, talong with bagoong, paco salad, and minatamis na saging
Gutom na gutom na talaga ko in fairness
Gusto na kumain.
Can you tell na puno ang bibig ko ng food? 
After dinner eh more games: marshmallow tower, pinoy henyo, and ang aking peyborit HEP HEP HOORAY!
Team 1 in action
Team 2 in action
Sir Mark and Ms. Techie's team in action
Ms. A: Ayusin nyo ha? 
The winning tower
Humabol ngunit kulang.
Walang kamatayang Pinoy Henyo.
Pinoy Henyo
Huhulaan: NORTH KOREA
Sir Mark: Is it in SEA?
Ms. Techie: YES
Ayun na.
At ang galing pala kumanta ni Batchie!
Freedom Boys planning their attack.
King of the 7 kingdoms daw. Pero ang totoo concert king.
Pero alam nating lahat sino ang tunay na namayani sa videoke. Hello Ma'am Yay. Eto po si Bella.
Busyng busy naman ako sa pag host ng games, so wala akong pictures o videos. Sakit ng chan ko sa hep hep hooray. Revelation talaga tong team building na to.

After ng mga ganap eh, guess what? Humiga na ko after ko mag wash up. Sa lamig (dahil nga sa ulan maghapon), hindi kailangan mag bukas ng AC. Nagpaka lola na ko at nag chill na sa kwarto habang more videoke sila sa labas. Well of course nag concert din si yours truly pero mga ilang kanta eh give up na ko. Borlogs na habang inumaga ang mga bagets sa kakakanta!

Ang haba ng ng post na to. Day 2 here.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews