Steaks at Snackaroo

11:34:00 PM

"Kain tayo sa Snackaroo. Wala ka pasok bukas di ba?"

Ganon lang yon kasimple so dun kame nag lunch kanina. Basta sinabi na steak AT mura, go yan! Yung last na steak na mura na pinuntahan namin eh somewhere sa Mandaluyong. I forgot the name. Mura nga pero hindi bet.
Eto yung sa steak house somewhere in Mandaluyong na hindi ko na matandaan ano pangalan. Cute lang ng steak no?
So mega basa ko ng mga review ng iba about it, ayoko mag aksaya ng oras at pera syempre. Dahil okay naman, go na agad!

Ang laki ng steaks nila. Kasing laki ng plato! Kasya nga samin yung isa eh, pero syempre kasibaan ang nagdidikta sa mga decision namin sa buhay. Hindi makapal pero jusko naman, choosy pa sa 150 pesos?!?! Keri yung lambot. Hindi melt in your mouth pero hindi din chewing gum levels. May mga parts lang na litid ata, sobrang konti lang. Kahit yung taba sa gilid eh ang yummy. Bare yung lasa at juicy yung meat. Okay sakin to kasi feeling ko hindi naman dapat komplikado ang grilled streak. Plus sarap ng gravy.
Nagkanda sayad na sa mesa. We don't kerrrrr!
Juicy and tender naman. Pak na pak!
Yung food eh wala kameng masabi. Yung inuwi nga naming tira eh ang sarap pa din kahit repeat performance na. Ang medyo off yung kainan mismo. Mainit kasi tapos medyo weird sa loob mismo. Madilim tapos kahit may fans eh parang walang hangin? So dun kame sa labas, pagtapos nga lang kumain eh amoy ihaw na din kame. Masaya naman kame so keri lang sa amoy ihaw.

I read sa review ng iba na medyo imbeyj ang staff. Okay naman sila. Mabilis si kuya mag serve at most importantly hindi masungit kahit na andun sya sa ihawan naka tambay.
Si Kuya na punong abala sa pag ihaw
We're lucky na hindi masyado matao kanina pero I'm sure impyerno ang parking! Nasa gilid talaga kame ng kalsada nakapag park.

Anyway, so total bill namin is 395 + 30:
2 steak (150 each)
3 cups of rice (20 ata isa o 10)
Mountain Dew and bottled water
Plastic for take out

Siguro equivalent to isang steak pa yung nauwi namin so solb na solb! Hindi pa tunaw kinain eh pinaguusapan na kelan ulit namin try dun. Sana meron ding ganito sa south!

Snackaroo Menu, Reviews, Photos, Location and Info - Zomato

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews