Tetet at 52

8:16:00 PM

Happy 52nd birthday Tetet!

Oo na, muntik nang maging pang next year na birthday to. Sorry naman. Nauna ang mga walang kwentang bagay, tulad ng trabaho.

Anyhoo, eto na! I'm sure alam na ng lahat na super enjoy ka sa birthday mo. Saksi ang lahat ng friends mo sa Facebook dahil sa dami ng selfie mo tapos upload agad!
Kadiri sa ka-sweetan pramis.
May pa-late effect pa tong dalawa talaga. Kesyo busy pa, ek-ek. Kala nila magpapatalo si Len sa pabonggahan! Hahahahaha!

 So ayun na nga. Ganda lang ng place! Parang gusto ko na tumira dun!

Jewel and Ronnie's room. Walang AC. Hahahahahaha!
Banyo sa room nila Jewel at Ronnie.
Lovely set-up ng dining at sala.
Room namin ni Julian at Mamang.
Lakas maka sosyal. Pramis.
Dyan na sya naka pwesto hanggang gabi.
Pogi mo dito Beks.
Mahal ng in can ha! 60 petot isa.
Yan ang silbi ni Beks, mag inflat ng balloons.
Master's bedroom before namin lagyan ng balloons.

Worried na worried si Mamang sa size ng balloons.
Ang excited namin pumunta, di namin naisip na magugutom kame pag dating. Kaya takbo sa Festival Mall to buy food. Pizza, chichirya, siomai, at kape. Hahahahaha!
Sa kagutuman, nauna na ang request na pizza.
So nalimutan ko bumili ng banner. Inutusan ko na lang si Jewel na bumili since daan pa sila ng mall. Ayan. Pasok na pasok sa blue and yellow kong theme, Disney princesses. Galeng eh.

You had one job.
 Sa bagay. Sophia the first ang isa pang option. So okay na din na yan.

Serbidora ako talaga eh.
And voila! Dinner from Mang Inasal! Hahahahaha! Apaw sa rice, short sa chicken oil Boo! And yes, mangga ang cake. Yak.
Yucky mangga. Hehehehehe..
Sakto naman ang dating nung dalawa. After dinner, dessert! Coffee, donuts, ice cream, chips! Sarap!
Mais con yelo lang naman ang ice cream. Alam na sinong pumili.
Breakfast with Lola Mamang
Batang hindi nakapag swimming bago umuwi
Hulaan kung sino ang sumulit ng breakfast?

Ronnie? Engk! Ako? Engk! Beks? Engk! Jewel? YES! Parang bodega ang chan.
Bacon. Bacon. Bacon.
Hindi ko mahagilap ang lahat ng pics. Kainis. Andun pa naman mga group pics. Hindi ko maintindihan san ko tinambak, ang tagal na nga kasi. Anyhoo, happy birthday mother! Iniisip ko na tuloy san tayo next year! Hahahahaha! Sana andito na si Len and Arkim para kumpleto rekados. 

Thank you Chong and Arkim for always being generous samin. At kay Kat sa sobrang tulong. Kami na ang demanding na guest tapos walang tip. 
Ganda ng ayos ko sa kilay mo. Aminin mo yan.
Wish ko sayo... Wala naman. Alam mo na yun. Good health, sana sumexy ka na tulad ng pangarap mo, magkaron ka na ng matitinong tauhan, maraming pera, at kung anu-ano pa.

We love you Tetet!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews