Julian's 7th birthday

12:51:00 PM

It's a Cookie Monster party for the birthday boy!

Simple lang ang plano eh: magdala ng food sa class nila (sa Monday) tapos lunch out lang or dinner with the family. Kaso...

Me: Jewel, tanong mo nga anong gusto nya.

Sagot: Gusto daw nya spaghetti, fried chicken, ice cream, cake, pizza, hotdoggies, tocino.

Check! Yes, tocino talaga. Lahat naman naluto at naubos. Medyo nahiya na lang ako nung patapos na kasi nung may matitinong bisita, tocino talaga kinakain nila. Sana nagluto pala ko ng kaldereta, kare-kare, o lechon. Joke lang. Sarap ng tocino ha!
Loving the ballons!
Effort ang cake! Thank you sa mom ni Ate Micah for always living up to our expectations sa cake, kay Tita Len sa pagbayad, and Tito Jigs sa pag deliver.

Kay Tita Wel sa pag ihip at pag kabit ng balloons. Pati sa pag drawing, pag tulong sa pag luto, pag ayos ng place, pagsama sa pag grocery, at pagbili ng ubod ng mahal na lecheng kisses na panghalo lang sa pancake.

Kay Lola Toona na punong abala. Sa pagpagawa ng Kubo de mansion! At kay Lola kasi hindi masyadong kumanta. Buti na lang.

Kay Tito Jigs sa pagiging beks at all around boy.

Sa mga pumunta. Nagbigay ng gifts. Yung pumunta kahit hindi invited, pinapalayas ko na nga andun pa din. Sa mga bibong opismeyts na nahanap ang bahay namin. Sa mga nalasing. Sa mga natuwa sa tocino. Sa mga naghangad na makapag uwi ng cupcake but failed. Sa mga nakapag uwi ng cupcake. Sa mga sarap na sarap sa spaghetti (ahem!). Sa mga kumita ng datung sa pagkanta dahil feeling galante ang tatay ko. Sa mga hindi nakarating, belat. Salamat!
Cartwheel boy
With Toona
Cookie monster lover
Deacon!!!
Pamilya Kadiliman
Cookies for giveaways
How's that hot-dog doing?
With Tita Wel and Tito Ronnie
DSC_2319
So happy to open his gifts
DSC_2286
Artsy fartsy time
DSC_2295
Ain't this lovely?
DSC_2297
Pinterest worthy if you ask me.
DSC_2299
Cupcakes for giveaways
momshandjulian
Love you baby!
Happy 7th birthday sa pinaka malambing at mapagmahal na bata sa bahay namin at buong Guard’s Quarters. Very good naman at masaya ka sa party namin for you. Maging masipag sa pag-aaral, laging bantayan si Lola Mamang, wag pasakitin ulo ni Mama Baby, at kumain ng madami pati matulog sa tanghali (wow, nanay na nanay lang ang bilin).

Until next year!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews