Pajama Jam 2014!

1:53:00 PM

Sabi wag daw i-glorify ang word na ‘busy’, pero kasi totoong busy mula talampakan hanggang anit kame the whole year. Hindi ko na nga maintindihan kung ano bang pinag gagawa ko. Kaya naisip ko we all needed a good break, Christmas party ito!

Last year despedida slash inuman fest, maiba naman this year and parang bet ko yung pisikalan na games. Syempre jajaporms ng bongga for sure ang mga tao kaya naisip ko dapat yung mapilitan silang mag comfy na suot. Kaya pajama party na lang!

In fairness nakaka stress mag organize ha pero masaya naman halos lahat so keri lang. First time namin mag party sa staff house and halos lahat from the different departments nakapunta (or at least may representative).

Pasensya na sa pictures, na-deads na kasi si Noah so wala akong pang shoot ng pics. Puro grabbed ang pictures from people sa office and sa photo booth.

BEBOTS! My favorite girls. Sorry Angel, mas matagal exposure ng bunny ears ko. Hahahahaha!IMG_16068563873158

Hala sige, pagkasyahin ang mga sarili. Hahahahahaha!IMG_16083185882436IMG_16107738525257

Ahem. No comment na. IMG_16114865264760IMG_16123183257924

Maraming salamat sa mga nag gupit, nag dikit, nag tali!IMG_16130038024769

Simula ng after party.IMG_16138404388295

Hindi makapwesto sa karaoke eh. IMG_16144541869985IMG_16149646606312

Hindi ko alam kung may nakapag picture nung tunay na pwesto ng hot cocoa bar eh pero dahil busy sa karaoke, nilipat na namin sa dining table na lang. Bumenta naman sya, buti na lang! Hirap lutuin nito eh. At masarap nga na may gigantic mallows. Thank you Ms. A for the big mallows and colored sugar, lalo na sa bonggang lagayan. IMG_16159561431752

Promise hindi uminom yan si Ms. Bella buong party.IMG_16164225768910

Search for Miss Pajama! Talbog sa Q and Q portion!IMG_16172170074330

This made my night! Unang game pa lang riot na. Newspaper dance kame pero instead of newspaper eh manila paper ginamit tapos tatlong tao per team. Jusko! Napaka competitive ng mga girls na to. Hindi pa nga nafo-fold yung papel eh naka taas na yung isang paa. Wahahahahahahahaha!IMG_16185937194691IMG_16209742278920IMG_16290470825062

Syempre nakakagutom mag hintay na dumating na yung iba no? Nakagawa pa ng bonggang salsa dip from stuff sa fridge. Patis, sesame oil, calamansi, kamatis, sibuyas, at daliri ni Ms. A.IMG_16355485137807IMG_16371296356068IMG_16395244048939

Markers with Ms. Techie.IMG_16405630279408

Hindi ko naman maisa-isa tong mga to. Pero mostly support and Aplus IS.IMG_16410698272571

Mr. Pajama! Sir Mark! Hindi nya talaga pinag handaan ang outfit eh.IMG_16421307678089IMG_16430781188832

Our favorite doc!IMG_16436196685658

Chinamese twins daw. Hahahahahaha!IMG_16440770751821

Ms. Bella, yung totoo? IMG_16446081909047

Ang lapad pa ng papel eh nakataas na agad ang paa??? Kala mo LED TV o kotse ang prize eh.IMG_16450936584340IMG_16509457397328

Parang wala na kong masabing maganda. O eto na ang pic namin nila Nella. Hahahahaha!IMG_240402054350794

Merry Christmas! Next year, ano kayang maganda?

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews