Davao Trip: R Place Review

7:39:00 PM

First time namin mag book through Airbnb and after much kaartehan, ang napili namin ay ang RPlace! We stayed here sa unang trip namin ever to Davao.

What we loved about it:

  • Malinis. The place was spotless pag dating namin. Mukhang bago!
  • Maayos. Ang mga bagay bagay nasa tama nilang lugar. Maliban sa AC.
  • Kumpleto sa mga basic necessities like heater sa shower, fridge, LED TV, AC, mga stuff pang luto at pagkain, may cabinet din, at towels.
  • Location. 15 mins from the airport ata tapos ilang minutes lang din papuntang port, isang tricycle ride to convenience stores na pwede din lakarin, mga kainan, at spa!
  • Ang comfy ng bed. Sarap lang humilata buong araw!
  • Super patient sumagot ng host (Ms. Riza Flor) na lahat ng mga katanungan ko. Ultimo question ko about basura eh sinasagot nya.
Ang super comfy ng bed!
Yes may petals ng rose at heart na made of candies and chocolates. Sweet!
Tuwang tuwa naman kame sa fish crackers!
May mga utensils and gamit pang luto. 
Ang linis ng banyo.
Bet na bet namin yung place pero syempre laging may room for improvement. Eto eh personal kaartehan ko na lang. 
  • Sana merong hangers o hooks na pwedeng pagsabitan ng damit at towels. Medyo hindi matahimik ang kaluluwa ko pag yung basang towel eh hindi nakasampay ng maayos.
  • Dahil may lutuan, sana may vent or something na pupuntahan yung usok pag nagluto. Medyo nag worry ako na may fire alarm na bigla na lang tutunog nung nagluluto ako ng hotdog.
  • Yung AC nakatutok sa may bandang ulo. Nagawan naman namin ng paraan and hindi naman talaga sya hassle sa totoo lang. 
  • Masyadong sheer yung curtains. Sa iba I'm sure okay lang to. Again, personal kaartehan ko to. Nagising na ko agad as soon as lumiwanag sa labas na tagos sa mga kurtina. In fairness, ayos pa pala body clock ko. Mas bet ko sana yung medyo mas heavy pa yung curtains.
Ay meron pang "treasure hunt"! Sa last page ng guide book eh hahanapin nyo yung spot na may smiley face tapos may prize kayo. Sadly engot kame maghanap at di namin nakita.

Overall, super love namin yung pag stay dito. At 3k something pesos for three nights, super sulit. If you're visiting Davao, I recommend this place. Check it out here

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews