Davao Trip: Day 1 Samal Island Hopping
8:01:00 PM
May pag selfie talaga! |
Anyhoo, technically kagabi ang day 1 pero bukod sa mapanis sa airport dahil sa more than one hour na delay at mapanis ulit kakahintay sa Jollibee delivery dumating, walang ganap. Kung late ang flight nyo, magbaon ng food and tubig kasi nagsasara pala ang mga stores sa Terminal 4. Buti na lang naisipan ko magbaon ng 2 piraso ng Skyflakes!
Day 1 island hopping sa Samal. 400 per head lang kaya yun na lang! Nag search lang ako sa Facebook tapos nakita ko si Samal Island Hopping Tour. Nagpa-reserve tapos nag bayad ng 50% DP sa BDO account nila. Yung remaining balance eh on the day ng tour babayaran. Ang bet ko sa tour na to eh walang minimum pax na required. Kung hindi ka masyadong taophobic, keri makihalubilo sa ibang tao sa boat. Mind your own business naman ang labanan eh. Okay din kasi mabilis sila sumagot, hindi pa-importante.
Mga 7am kumuha na kame ng GrabTaxi (yes available today) tapos andun sa kame sa port in a few minutes. Pagkatapos maglakad sa putikan (lakas kasi ng ulan nung gabi), nakita din namin agad ang boat namin. Medyo shunga lang ako kasi hindi ko tinandaan agad name ng boat. So para mapadali kayo sa paghahanap, tandaan ang name ng boat nyo.
Mga almost 9am na ata umalis yung boat so syempre medyo nakakainis ng slight lang naman. Dahil din late kame kagabi, wala kameng baon na food. Free ang pag gamit ng life vest dun sa tour. May snorkeling set for rent at 150 pesos. Ewan ko ba bakit di ko tinanong yun kaya bumili kame ng samin. Meron din silang packed lunch pero dahil di kame nalista, wala kameng food. Magdala din kayo ng tubig pero kung wala, like us, may binebenta naman dun sa boat.
Ay sya hindi ko alam anong island to. Lol. Basta dinaanan lang namin. Sayang hindi kame pumunta dito! |
Lakas maka-relax ng waves. Nanonood lang ako inaantok na ko agad. Nakakatakot at the same time calming. |
Anyway, mga 20-25 mins yung boat ride to the first stop. Nakatulog pa kame sa byahe. Di ako marunong lumangoy so nakaka overwhelm ang blue ocean! Yung vest pa eh tumatabingi so ako din tumatabingi! Pero dahil andun na, panindigan. Masaya in fairness. Parang abot kamay ang corals at mga pish! Tapos pag tingin ko malalim na part, naduwag na ko. Naimagine ko na agad na malulunod ako eh.
First snorkeling stop at Coral Garden. |
After mga 45 mins o one hour go na sa next destination. Syempre di namin alam tawag dun kasi mas powerful yung ingay ng boat kesa sa mic ni ateng guide. Dun kame nag lunch. Dahil wala kameng baon, nagpaluto kame. Keri naman. Kung ano nga lang ang huli, yun lang pwede paluto. Medyo pricey pero I'm sure mas mahal yung ganito sa manila:
Fish: 250 (3/4 kgs, isang buo)
Bigas plus luto: 50 (half kilo)
Luto ng fish: 150
Sprite: 45
Buko: 30
Toyo calamansi: 10 ata
Mas maganda sana kung hindi masyadong madami yung bangka sa shore. |
Kahit sinabi naman nila kuya kung anong isda to, di ko pa din na-gets. Basta masarap! At yes nanonood ng The Practice habang kumakain. |
More snorkeling pa! Hindi ko nanaman syempre alam name nung next stop. Basta instead na may shore, parang batuhan. Yung iba nag explore dun sa mga bato. Di ko bet, baka madulas ako or something. So snorkeling na lang ulit.
Ang linaw ng tubig dito sa part na mbabaw. Tapos pa-blue ng pa-blue habang lumalayo. |
Ayan may isda! Ayaw lumapit eh. Madami sila pero maliliit, parang dumi lang. |
Kailangan terno ang rash guard at snorkeling set. Lol. |
Shala ng mga villa sa Pearl Farm Resort o! Iniisip ko kung gusto ko ba pumunta dito next time. Kung sulit. |
Mga 4pm ata nakabalik na kame. After mag withdraw sa BPI naghanap kame ng grocery store. Napadpad kame sa Victoria Plaza. Bad idea na wag magpalit ng damit (may dala pa kong towel!) dahil malaking grocery store pala sya! Daming tao! Nakakatuwa kasi bukod sa ang daming items, madaming food stalls sa loob. Kung anu-ano muna nakain namin dun bago finally umuwi. Tapos isang tricycle lang from there back to our place.
Overall, okay naman. Nag-enjoy naman kami. Yung mga kapatid ko talaga at si Julian ang mga anak ng dagat pero I had fun. Now I'm looking forward to seeing better stuff underwater, yung mas madaming isda and mas makulay na corals.
Lessons learned: magdala ng tubig at snacks lagi, magdala ng isang dry bag at isang mesh, sulit ang waterproof na pang kilay at high SPF na sunblock, at i-steady ang kamay pag kumukuha ng videos lalo na underwater.
0 comments