Cebohol Day 2: Butanding and Sumilon Island

11:34:00 PM

GOPR0771
Yes naka boardshorts nanay ko.
Hindi ako fan ng pag gising ng maaga. Pag nagkita nga kami ng nanay ko sa bahay ng maaga ang tanong nya, “Kakauwi mo lang?”. Hindi man lang, “Aga mo gumising ah!”.
Pero kailangan kasi maaga daw sa butanding, kaya 7 AM almusal na. Todo sunblock pa ko. Pagdating dun sa briefing, number one na bawal pala yun. Bawal ang mga kung anong chemicals so mag shower bago sumakay ng bangka papunta sa mga butanding. Mag shower ng bongg dahil di bet ng mga butanding ang kahit anong kemikals! Kaya sulit din na maaga pumunta kasi may moment ang shower. Sa pinakauna na stall maayos ang daloy ng tubig.


Next eh bibigyan ka ng life vest at snorkeling gear (300 pesos). I-check kung sakto sayo yung fit kasi hassle kung hindi. Unless bet mo uminom ng tubig dagat na grabehan sa alat.

20151003_083225-1
Ah that face. Ganda!
Sa duwag na katulad ko, nakaka-overwhelm tong activity na to. Sa ibabaw kasi, hindi mo naman kita yung buong butanding. Isa pa, hindi ko naisip na ganon sya kalapit as in lapit! Pero shunga ka din kung di ka baba at sisilip kasi wow talaga! Eto ang highlight (other than the out of this world chicharon sa Carcar) ng trip talaga para sakin. Bonggang bongga partida takot pa ko at malamang matetegi talaga ko kung nahubad ang vest pero go! Sayang ang bayad!
GOPR0782
Worth it na mag rent ng cam (parang 500 pesos ata?) tapos sila Kuya na bahala mag take ng videos o pics nyo. Kasi at least hindi mo kailangan mag worry at hindi tadtad ng selfie di ba? Plus, alam na alam nila anong mga shots ang magaganda.

After ng mga butanding, balik muna sa shore para mag shower at isoli yung mga gear. Tapos sakay ulit ng mas malaking bangka kasi pupunta ng Sumilon Island. Nung pasakay na kame, dun ko naisip na kung mag beach pa ulit, maganda bumili ng footwear na pang dagat! Si mother eh natusok ng urchin. Umiiwas sya dun sa isa, pag apak nya meron din pala sa kabila. Plus napakabato!

GOPR0799
As in kakalanding pa lang namin, si Julian andun na bigla sa tubig!
Bukod sa footwear eh, isama na yung mga googles na maganda. Pagdating sa Sumilon Island, ganda! Ang linaw ng tubig at ang puti ng buhangin. At hindi matao! Mabato-bato nga lang at hindi ganon kapino yung buhangin. Wag masyado mag expect ng Boracay quality na buhangin. Pero walang lumot or dumi.
GOPR0801GOPR0808GOPR0815GOPR0848GOPR0854
Do not be fooled. Lintek sa alat yung tubig. Kaya kung pano sila nakadilat sa underwater shots na yan eh ewan kung pano nila nakaya.

After Sumilon, balik dun sa shore tapos lunch. Masarap yung food (di ko maalala yung pangalan ng resto pero parang ikatlong stall mula sa kaliwa) pero ten years bago kame nakakain. Sa tagal eh natuyo na kame. Maganda siguro kung bago kayo mag Sumilon magpaluto na kayo para pag balik ready na. May mga nagtitinda ng spicy chicharon, BUMILI KAYO NON (lalo na kung naghihintay kayo sa pagkain na dumating). Almost 4k ang damage sa resto na yun. Masarap naman pero talagang bwisit na bwisit ka na sa sobrang tagal dumating.

Pagbalik sa hotel, ligo, palit, empake na then Cebu City! Derecho kame sa Alba Uno. Very good yung driver kasi alam nya yung hotel and dun na kame hinatid, di na kame pinahirapan pa. Pagdating, check-in, unpack, ayos ng konti then dinner sa Rico’s!GOPR0868GOPR0871GOPR0875GOPR0884
Daming choices! Rico’s, CNT, Zubochon, etc. Dahil dyan, nag stick na kame sa unang choice, Rico’s nga. Kasi daw ang daming celebrities na dun kumakain o bumibili ng lechon. So dun na din kame. Hindi masyadong wow sakin siguro kasi sanay ako sa lechon na may sarsa. Sobrang dami ng dalawang kilo para sa eleven na tao (yung isa bata) pero kasi may iba pa kameng order: scallops, chicken bites, kilawin, lechon sisig, at yung tanigue. Masarap lahat in fairness! Least favorite ata yung lechon mismo. Damage eh mga 3,5k ata.

After Rico’s eh Ice Castle, because there’s always room for dessert. Masarap yung strawberry parfait kesa dun sa mga chocolate chorva.
GOPR0891
Yes, pabebe wave. Deal with it.
GOPR0889

Pag balik ng hotel, tambay lang ng konti tapos nag ikot ng konti dun sa parang bazaar sa may IT Park nila. Buti na lang busog na kame kasi ang daming food! Para syang bancheto? Pero may mga damit and kung anu-ano pa na binebenta other than food. After buying some stuff, balik na agad ng hotel kasi maaga pa bukas for Bohol!

IMPORTANTE: On your way to Cebu City, may madadaanan kayong tindahan ng chicharon sa Carcar banda. Bumili kayo ng madame! Kasi pagdating sa airport eh 300 pesos na yun, 150 lang dun. Sarsa at kanin na lang ang kulang, meal na. Ang sarap pero sure na maha-high blood ka.
Carcar Chicharon
The BEST CHICHARON!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews