Cebohol Day 1: Tumalog Falls

6:52:00 PM

DSC_1170
Mag Tita talaga tong si Julian at Jewel eh!
*Background ng konti: Sa bahay namin, ang mga tsinelas parang may sariling buhay. Kung san-san napupunta!* May issue ako sa over-priced anything, lalo na sa tsinelas! Nagkaron lang ako ng Havaianas kasi binigay sakin. Isang beses pa lang ako bumili tapos kinagat pa ng aso! Kaya a day before our flight eh wala pa kong tsinelas na pang-beach! Uhzuhr! So after shift eh nasa mall pa ko at nagtitingin ng tsinelas. Ang hirap humanap ng mura tapos hindi mukhang chipipay.

Imbeyj pa yung dapat na mag hahatid samin, nag back out the last minute. Anong petsa na eh nag hahanap pa ko sa OLX. At kayong mga may van for hire, mag reply kayo sa inquiry ng customer! Ang bait naman ng message ko complete, and valid: Hello po. May available po ba kayong van for *insert complete details here*? Maraming salamat po! Tapos hindi sasagot? Yung isa tinawagan ko pa. Sabi nung sumagot, wait lang daw kasi ask pa nya driver. Nakabalik na lang kame hindi pa din nya ko binalikan.

Inabot din ako ng ilang oras kakaayos ng dadalhin kong gamit, eh iilang araw lang naman! So hindi ako nakatulog ng maayos hindi dahil sa excitement pero dahil sa kakaisip kung ano pa ang naiwan ko o ano ang hindi ko dapat dalhin.

Kaya ang saya-saya nung finally paalis na! Plus ang sarap ng almusal, longsilog. Yun nga lang pagdating sa van, tuwing may mag burp hulaan nyo anong amoy.
Nag packaged tour kame to Oslob. May sundo na from the airport. Sakto yung dating namin na 8:30 AM sa 3 hours na byahe to Oslob. Very good yung sundo kasi on time at okay naman ang driving skills. Ready din sya kasi may car charger. Napaka importante nito pag mahaba byahe.

Derecho sa Hotel Sebastian para mag iwan ng gamit, mag check in, at kumain. Natuwa naman kame at hindi pulubi yung place na kasama sa package. Review ni hotel dito.

Pagtapos mag ayos ng gamit, magpalit, at mag lunch, go na sa falls! Mga 15 minutes away sya siguro. Nagpapanic na ko agad nung sinabing lalakad daw ng 15 minutes. Ayoko ng pagod sa buhay ko. Kota na! Pagdating sa drop-off, kung hanggang san lang pwede ang van, may mga motor. Si pudra, mudra, at Julian nag motor. Kameng mga kabataan eh kaya naman daw maglakad. Okay din mag lakad going to the falls kasi maganda naman ang view. Make sure lang na hindi madulas suot mo kasi lintik sa steep yung way. As in!
Eto talaga si Beks!
Pero pag punta dun, pak! Ganda! Kahit hindi ka siguro mahilig sa nature matutuwa ka dito. Pang post card ang peg. Nakaka-relax yung hangin, amoy ng lugar, at ichura. Panalong panalo! Nung dumating kami walang ibang tao bukod dun sa mga driver ng motor kaya enjoy. Grabehan sa lamig ang tubig. Nakakanginig kind of lamig. Sigaw ako ng sigaw ng “Ang lamig!” kahit na ilang minuto na kong nakababad sa tubig.

Wala nga lang patungan ng gamit. At kung hindi lang kayo andun, make sure may taga-bantay ng gamit nyo. Merong comfort rooms sa “entrance” pero walang ilaw so magbibihis ka in the dark. 

Pabalik, medyo hindi exciting yung lakad pataas! Ang mga kapatid nag walkathon (habang nag nae nae!), kame nag motor. Again, ayoko ng pagod. Napakagandang desisyon!

Mga 4PM siguro pabalik na kame ng hotel. Shower, palit ng damit, and pahinga tapos nagre-ready na for dinner. Hindi ako natuwa sa lunch dun so lumabas kame at naghanap ng kakainan. Sabi lang ng mga ate sa hotel, pag labas lang ng high way madami na. Hindi ko alam tawag dun pero isang hilera sya na puro nagba-barbecue tapos pwede ka dun kumain, may mesa sila and all! Isa ata yun sa pinaka masarap kong kain sa trip. Ang mura nung mga ihaw-ihaw at masarap! Bongga yung chicken, pork, isaw (walang isaw ng baboy), at talong. Parang 1,200 pesos ang damage. Sampu kame ha? Tapos wala namang mahina kumain samin.

Pagkatapos lumapang, naghanap kame ng tea. Hoping na ma-balance ng isang tasa ng tea lahat ng kinain namin for the day. Pagbalik sa hotel, facial, Jose Cuervo, at Insidious 3 ang naganap. Nyeta talaga ng movie na yan, sapilitan ang nood.
Oo na #AlDub fans kame. Wag kang makealam!
Hindi issue ang pagtulog kasi bagsak ata kame agad lahat. Sakto din kasi 7AM ang call time bukas for the butandings! So excited!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews