Cebohol Day 3: Bohol Day tour

11:41:00 PM

Butterfly Garden, Bohol
For 1k per head plus ferry fare, solb naman ang day tour. Di ko maalala lahat ng pinuntahan or kung lahat ng nandun sa package eh napuntahan pero naging busy ang buong araw namin sa Bohol.
From our hotel, nag rent kame ng van na maghahatid sa port. 9AM yung start ng tour. Eh two hours ang byahe by ferry. Eh si Oceanjet lang may maaga na alis (according to my research), 7AM yung dapat kunin namin na alis. Since same day ang purchase ng tickets, 6AM pa lang dapat bumibili na kame. Kamusta naman ang pag gising ng 4:30 AM! 1k ang fare pero may promo sila! Yun nga lang, mabilis maubos. So bumili kayo in advance. Sana magka online reservation na sila para mas madali ang buhay ng lahat di ba? Hindi ako naka get over agad na hindi namin inabutan yung promo. Good idea din na magdala ng makakain kasi wala pang bukas dun sa port, or wala lang akong napansin na iba bukod sa sausage stand sa may check-in.
GOPR0898
First time ko mag ferry. Para palang pag sakay din sa eroplano. Bili tickets, mag-check-in, hintay ka ng boarding time ganon. Pagkakain ng sausage at salpak ng earphones, borlogs. Kaya ang 2 hours na byahe eh sisiw na sisiw.
Pagdating namin sa Tagbilaran port, kakaloka yung driver! On time nga eh. May dala pang banner (okay, bond paper lang sya tapos nakasulat name ko ng marker) at nakalagay name ko! Balikbayan ang peg!GOPR0899
Dahil bumili na din kame ng tickets pabalik, which is 5:30 PM, kailangan lubusin ang oras. Bawal magpatumpik tumpik! Ang hirap ikwento ng kung anong unang pinuntahan tapos anong next (tamad ako yes) basta ang napuntahan eh ang Chocolate Hills (syempre), Loboc River Cruise, Tarsiers, at Hanging bridge. Yung manmade forest madadaanan naman talaga, hindi sya destination. Interesting din yung mga church kung bet mo ang mga ruins. Kaya yung mga kasama naming engineer at architect eh more kwentuhan kung bakit hindi na mare-restore yung mga nakita namin. GOPR0901Blood compact. Yan na sya. GOPR0909
Medyo na-highblood pa ko bago kame makakain. Nagkamali kasi sa pagbigay ng table. Pinipilit nung ate na 7 daw kame sa group tapos 2 bata. Sabi ko sa kanya 9 kame plus isang bata. End of story na dapat no? Pinilit talaga nya na 7 nga kame at may 2 na bata. Hinila ko si Julian, “Ate, eto lang ang batang kasama namin. Wala ng iba.” At kahit bwisit na ko, ayaw talaga maniwala ni Ate! Ano yun niligaw namin yung isa pang bata?! Alangan namang paalisin namin yung mga nakaupo na dun sa pwesto namin dapat. Ang ending, nakahiwalay kame ng mesa. Ayos naman yung food. Kakatuwa yung bbq. Isang piraso ng karne kada stick! Hindi wow pero pwede na.GOPR0931GOPR0935
I super love this! Scary nung daan kasi bangin bangin tapos zigzag to the max pero ang ganda ng mga puno talaga. Wala akong tigil kakasabi na ang ganda! Si Julian borlogs sa van kaya di nakasama sa pictorial. Galing kumuha ng shot nung driver. image-98617444493793124ba26682ede29dbac2ce1a39fa429ad5b9555805c98576d3-VSa lahat ng kuha namin, ganyan mukha ni Julian. Di namin alam baket.GOPR0943Hindi masaya yung pag akyat. 214 steps! Uhzuhr.GOPR0946Nakakapagod! Tapos yan ang view. Na-edit ko na yan. Makulimlim kasi nga may bagyo. Pero sana mas mataas pa yung viewing deck kasi hindi masyadong kita ang mga hills! Hindi din pwede magtagal kasi nga baka bumuhos ang ulan.DSC_120620151004_13184020151004_13195020151004_132408
Kung hindi magaling yung guide dito sa Butterfly Garden eh sobrang sayang ng pagpunta dito. Kasi nga umuulan at yung mga butterflies at moths eh ang tatamad magpakitang gilas! From start to finish ng tour dito eh tuwang tuwa naman kame. Havey yung mga hirit at jokes nung guide. Plus ang galing pa mag picture picture!GOPR0965
Hindi ako nag enjoy dito sa Tarsier Conservation place na to. Ayoko ng akyat akyat! Lalo na at madulas tapos kailangan quiet ka lang. Sa sobrang liit pa ng mga tarsier eh ang hirap nila makita!GOPR0976
Nagbayad pa kame para matakot at ma-stress sa bridge na to. At yung Guyabano shake/juice sa kabilang dulo ay panalo. Yung maliit na baso eh 10 pesos. So akala namin mura lang di ba? Yung malaking baso nila eh 80 pesos! Masamid samid si mudra kasi sya nagbayad!GOPR0990
Last stop namin to si zipline. Nagsisisi ako ng bongga na di ako nagtry! Sinisisi din ako ni Julian. Kasi naman yung taas eh. Parang hindi ka talaga makikilala pag nalaglag ka no. Ayan. Mamatay na lang ako sa inggit.image-2fc7242c02e414e04aad4728d64bc2e864f30fa61505225f11121814d7058cbc-VGOPR0998
Very good ang ulan kasi nakisama. Hindi bumubuhos pag baba na kame ng sasakyan. Nakapag zipline pa sila nung pabalik pa kame. Sayang hindi nakapag bike (in the sky?) sa may chocolate hills kasi nga panget ng weather.
After ng day tour, dinner sa Seafood Island sa … Basta sa may mall. Nun lang nakapag picture ng food in fairness.GOPR1002Ang mahiwagang okra. GOPR1003GOPR1004
Solb na solb lagi kain ko dito. Gusto ko na nga magkamay!
Dahil last night na namin, pinipilit ko talaga na magpunta kame sa La Vie! Pagod na, gabi, tapos maulan. Pero push pa din ako. Hindi pa dumating ang order eh nag-aya na umuwi ang kalahati. Naiwan yung mga mag-asawa at ako. Wine, coffee, and pastries. Okay na sana ang experience kaso galit na galit yung langit. Yung buong araw na pinigil eh hindi na nakayanan at bonggang buhos. Halos bumigay yung tent.
Hindi ako makapag picture kasi nga grabe na yung ulan. Pag search mo naman makikita mo how nice the place is. Punong-puno sya nung gabi na yun! Halo-halo yung crowd. Hindi na nga lang namin na-appreciate ng maayos kasi nga antok na, pagod, at ang pesteng ulan.
But all in all, it was a good day and a good night.
P.S. Happy birthday Popoli! Sa Bohol ka pa talaga nag celebrate. Achieve na achieve ang nyelpi mo. Belat!image-dd0d57a4bb1aed3948dafa5e63d70cc071483a19d4e706b5fb8b91bd22962477-V

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews