First ever nail art!

5:47:00 PM

Sorry. Kailangan lang talaga i-post ang kaartehan na to.

Matagal ko ng gusto mag nail art kasi bukod sa lagi kong nakikita sa Pinterest, ang hilig kong magpinta ng mga kuko. Kaso mahal, matagal, at hassle magpa-nail art! Nag try akong mag DIY kaso panget yung sa right hand lage so give up ko na agad ang option na yun.

Kaso this week, dahil Curacha lang ang inspiration ko, no time magpunta ng salon. Kaya ask na lang ako ng favor sa kasama ko sa bahay na kung pwede ko hiramin manikurista nya. Simpleng mani at pedi lang naman gusto ko kasi mukha ng kamay ng nagbubungkal ng lupa mga kamay ko kaso hirit si Ate ng, “Nail art?”

Ako pa maarte kasi baka hindi sya magaling! Mag mukha lang joke ang gorgeous nails ko (oy totoo yan sabi nila). So tingin ako sa nails nya. Kasi kung panget yung kanya, wag na. Pero pwede! Sige na nga. Inabot nya yung phone nya, pili daw ako design. Pinili ko yung strawberry na pink. Papabura ko na lang kung panget.

Aba, galing ni Ate! Wala syang masyadong tools ha? At para sa 150 pesos, kamay at paa na, napaka galing. Eto pa, nagsimula kami ng mga 10:00, tapos na ng 11:00 something. Winner na winneer!

Nagsisisi talaga ko na ngayon lang kami nagtagpo! Gusto ko ulit ng ibang design bukas. Yes, bukas na! Galing eh. Sana meron din nito samen.

Pink talaga yung strawberry tapos yellow green yung parang dahon na part at yellow yung dots. Kewl lang! Feel na feel ko! Thank you Ate!nailart

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews