After Cebu at Bohol, Baguio naman!
Last na punta ko dito eh college days pa jusko. Payat pa ko non, iba ang jowa, nagjujudo, walang kilay, etc.
Di ko sure kung lakad ba ng company o naisipan lang. Basta nung tinanong ako kung bet ko sumama, di naman daw ako gagastos na sa place at pamasahe, go agad. Kaladkarin lang talaga.
Hindi kame makasabay dun sa byahe ng umaga kasi yung mga kasama ko eh mga ulirang empleyado, 12MN pa tapos ng shift. Being the good person I am, sama ako sa kanila. Sa recent ganaps sa buhay ko, it pays na mag pareserve talaga ng maaga. Hindi ko naman alam na pakyawan pala ticket sa bus. Gusto sana namin yung deluxe ba yun? Kaso wala na agad. Yung 2AM na alis ang inabutan namin. At shet sa sakit sa pwet ang tagal ng byahe!
Mga 10 AM kame dumating, habang naghihintay sa sundo, breakfast ng konti. Pag dating nila, larga agad. Bwisit yung mga kasama ko kasi di man lang nakahilamos. Galing pa ngang shift di ba? Pero dahil sayang ang oras, di na kame makapalag.
Wala talagang destination. Basta ikot lang ng ikot!
Ugh. Magjojowa! Diri kay Ate Sol at Ms. Bella. Lols! |
I'M SOOOO READY! Hyper na hyper ako yes. |
Eto ang pinaka PAASA na ride. Died of anticipation. Dahan dahan pa yung paghila pataas kasi akala namin bubulusok pababa. Kung gano kabagal umakyat, mas lalong mabagal bumaba! |
You should definitely try this shit out. Vertical drop! Wait, may horizontal drop ba? |
Artista lang Ms. Bella?
Napadpad kami ng PMA kasi nagkamali kami ng liko. Walang makapag Waze dahil low batt lahat. |
50's diner! Pogi ni Jeric dito talaga. |
Pagkatapos non eh ang makasaysayang Ping Pong Pang na pagkadaming nabiktima. Di ba no Ate Sol at Ms. Bella?
Sa uulitin!