Happy Birthday Yu An from Villa Lim

8:35:00 PM

Medyo nakakahiya i-post to talaga dahil napaka bongga ng pinuntahan namin. Kung taga south ka, napakahirap intindihin na hindi mo alam kung saan at ano ang Villa Lim Resort.

Gusto ng birthday girl na swimming daw, kaso syempre more tipid at kuripot ang lahat. So dun kame sa pasok sa banga. Pagbigyan at first ever outing namin na malayo sa Las Pinas.

Pagplano pa lang ng menu kagulo na. Daming wish! Nauwi sa sangkaterbang hotdog, liempo, at ang pinakasikat sa lahat ng gabing yon, ang tilapia ni Jayson. Pati sa mga kasama! Imbyerna yung mga nag yes tapos last minute no. Sarap ipagbibigti eh. Joke lang. Yung advanced party nga wala nang makangiti sa kapaguran.

Anyway, pag pasok pa lang mula sa gate eh grabe na ngiwi ko. Dugyot eh. Alam ko public pool pero taena naman. Eh andun na so alangan namang mag umattitude pa ko. Di ako maka get over sa dumi ng tubig, dumi ng lugar, dumi all over, ang uber sa sikip na banyo na wala pang ilaw.

Masalimuot ang lahat hanggang sa may mga nabangenge na. Masaya naman ang ending. Parang amin ang resort kung makalait ng froglets na andun.

Happy birthday Yu An! Eksena lagi ang birthday mo ha! Ayusin to next year. Sana afford na natin ang tunay na out of town at sa bonggang resort. Pa-cater din tayo. Chos!

DSC_1559
Yes, may dala kaming comforter. Sale kasi sa SM pagdaan namin. 300 petot para sa comforter?! May bed sheet pa? Avail agad!
DSC_1560
Cleavage ang labanan.
DSC_1561
Ang mga bata nilalamig!
DSC_1563
Yes mga lasing na.
DSC_1562
Meron ng natitibo.
DSC_1564
Sabi flirty eh. Yan ang flirty face ni Ta Din. Hahahahahaha!
DSC_1565
Ang flirty pala ni Jamie ay … Di ko alam i-describe ang pose mo.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews