Ramen at Bangaichi

4:46:00 PM

Ang lapit lang sakin ng Festival Mall pero ang dalang ko mapadpad dun. As in. Kaya nung may kung anik-anik na palang ganap eh huli na ko sa balita. Buti na lang ang magaling na Myda, sa Festival nag set ng ‘date’ namin. Ayun, may dahilan dumayo.

Dahil maaga pa, pinuntahan ko na yung River Park eklat. In fairness ha? Maganda ang concept. Malayo sa mausok at maalikabok na reputasyon ng Alabang. Ewan ko kung bakit ako napadpad sa Bangaichi. Di ko naman bet mag ramen kaso puno yung iba eh. Kakahiya naman makihalubilo. Okay naman ako gumala, manood ng movie, kumain, at kung anu-ano pa ng mag-isa kaso grupo yung nasa ibang resto kasi, baka mailang sila sakin.

The place was nice. Not cramped, but then again parang tatlong table lang ang occupied kasi. Not sure kung anong sitwasyon pag puno. Maliwanag at malinis naman. Didn’t get the chance to check their comfort rooms at ayokong bitbitin pa ang mga dalahin ko no.

20141226_151243


Sorry naman sa abnormal na kuha. Nakatakip pala yung cover sa cam. 20141226_151250

20141226_151308

Hindi ko man lang na-try yung sesame seed gilingan! Cute lang nya. Hehehehehe.. Very good sakin tong Bangaichi kasi may chili flakes and chili oil! Magkaiba! Saya lang.20141226_151302

Nakakatuwa din na they embraced the industrial feel nung place. Hindi masakit sa mata di ba? 20141226_151316

Weird na I’m writing about my experience here eh isang order ng ramen at gyoza lang naman ako. Pero happy customer naman. Okay ang food. Hindi wow pero hindi din nakaka-poot na ang mahal tapos lasang puro sama ng loob? Masarap naman sya, kasi hindi ako gutom na gutom pero na-appreciate ko ang food. Kung yung instant na ramen expert na ko siguro kasi siguro twice a week ako kumain ng Shin ramen, yung tunay eh napaka beginner ko. Di ko naman alam anong hahanapin dun sa lasa kasi. Para sa’kin, masarap naman kasi hindi soggy yung noodles, hindi maalat ang soup, hindi lasang processed yung meat (smoky pa nga eh), and sakto lang ang serving.

20141226_153103

So for a total of 440 pesos, happy tummy naman. Syempre later na ko medyo nag sisi na gumastos ako ng ganon sa lunch ko kasi pag pasok namin ng mall, ang dami kong gustong bilhin! Pero syempre, laging nauuna ang sikmura. Malamang babalik kami dito and will try the other restaurants along the River Park strip. Mukhang okay sila.

Next stop is Mati’s Meat and Bread!

  Asahikawa Ramen Bangaichi Menu, Reviews, Photos, Location and Info - Zomato

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews