Anyeong!
2:53:00 PM
Our peyborit!
Kakahiya lang sa bill namin na 480 pesos para sa rice. Wahahahahahaha! 40 per cup ba naman. Pero sulit na sulit ang lafang dito. Syempre not the best Korean resto o food pero pwedeng pwede na! Ilan lang yung side dishes na sinerve, parang apat? Usually 7 yan. At hindi consistent ang cut ng meat. Eh well, 160-180 per order, okay na din. Ang dami naming busog talaga!
Jusko, lahat ata ng kuha eh puno ng food bibig ko. Salamat sa pictures girls.
Ano ngang tawag dito? Di ko talaga alam. Pero may ramen, may fish cake, may rice cake. Masarap in fairness.
Sa anim na chan na busog na busog, keri na yung 2k+ na bill. Hanggang sa huling minuto eh more nguya pa ko. Na-burn naman nung pumunta kaming Ruins. Grabe! Parang sauna lang sya. Must try if you’re looking for a cheap korean restaurant. Hindi bongga dito katulad ng Sam Won (dadalawa ang menu eh dalawa lang kaming table ata tapos medyo panget ang banyo) pero keri na!
Visit Chang Teo at 218 Aguirre Avenue, BF Homes, Paranaque City.
0 comments