Hallelujah! First ever outing ng APLUS!
4:40:00 PM
After ______ years, nagkaroon na din ng out of town chever! Spell biglaan? April 30 ang lakad, pinagusapan kahapon lang. Hindi masyadong prepared ang pagkatao ko plus kagagaling lang namin sa swimming, pero dahil baka di na maulit muli, go!
Boss: Sinong gusto sumama bukas? May lechon, pagkain, alak, at sasakyan.
Me: Wow. Lechooooon!
*Turns out wala palang lechon. Boo.
Anyway, tinubuan muna kame ng ugat bago nakaalis ng opis. Ambusy ni sir kasi. Nood muna Korean something about dads and their kids, sangkaterbang selfie, kwentuhan, naupuang bubble gum, at kung anu-ano pa bago finally pumunta sa resort.
Pagdating, kain ulit kahit na kumain na ng pagkadami sa office pa lang. I swear para kong may bulate sa katakawan.
Eto yung matitino pa sila.
And! Eto na after maligamgam na tubig sa pool, food, booze, at videoke.
Hello sa braso mo Andoys!
Jamie and her photo bombers. Pagkatapos umubos ng sangkaterbang hotdog, eto naghahanap pa.
This “park” was right beside the resort. Nakakatuwa siguro lalo to pag natapos na. Ganda eh.
Eksena din ang paguwi. Dapat uwian na agad eh. Kaso tagal ng sasakyan. So kanya-kanyang pwesto habang naghihintay. Meron sa bench sa labas, sa sahig, may sumiksik sa room ng boys (pinalayas muna ang boys), at di ko na alam kung san yung iba. May pesteng nag selfie sa tabi ko habang mukha akong bangenge at syempre di ko ipo-post pictures ko non.
Hello sa paa mo Jamie. Liit pala ng paa mo no?
Derecho office kame after. Sampay ng basang damit, hanap ng pwesto, pahinga konti, at walang katapusang diskusyon sa pagkain (ang lechon na drawing pala at ang di namin pagpatol sa tapa at tocino habang andun kami). Trabaho pa din na parang walang nangyari, tulog pag may chance. Lahat pagod eh.
Sana may next time pa! Magbaon pa ng mas madaming hotdog! At i-video ang mga ganap for a better laugh the next day. Hahahahaha!
Happy Labor Day everyone!
0 comments