Sa wakaaaaaassssssss! Hindi ko na nga maalala kelan kame nag start mag plano na kakain dito. As in. Next sweldo, na naging before Christmas, na nauna na kumain yung iba at di kami sinama, hanggang sa pati mga boss ko inaya ko na.
Si Genebib lang pala ang sagot. Wahahahahahahaha!
Okay naman ang place. Halatang bago. Hehehehehe.. Hinahanap ko yung fireplace kasi may logs dun sa gilid, sa ilalim ng stairs. Parang wala naman? Siguro ginagamit sa kusina? Anyhoo, napansin ko lang parang di nililnis yung salamin sa bintana sa taas. Oo na prinoblema ko na. Obvious kasi! Pero maganda ang place, ung ambience. Weird yung lighting na maganda. Habang nag hihintay kasi ng food, pinipilit kong kabit yung screen protector na kasama sa gift nito ni Gen, hindi ko makita yung bubbles! Pretty din ang banyo nila, sayang di ko napicturan eh. Kulang nga lang sa hand soap and tissue.
In na in yung mga chalk board chenes talaga sa mga kainan no?
Maganda yung pwesto sa 2nd floor. Kainis si Ate na nag greet samin, di ni-recommend dun at mainit daw. Pag akyat ko di naman!
Sa appetizer, ay naku order something else. Wahahahahahaha! Hindi naman masama ang lasa pero sablay ang order ko nito kasi puro carbs nga naman ang pot pies. Parang hindi sapat sa presyo ang tatlong piraso na to.
Hot sausage pot pie something. Wag masurprise kung lasang pizza kasi eto nga talaga yung version nila ng usual pizza, pot pie. Okay naman to, parang sakto naman ang lasa pero hindi ‘wow!’.
Mas bet namin tong chicken ranch something. Dairy and feeling ko mas malasa? Ewan ko kung bakit. Basta!
At eto talaga ang dinayo ko dito. Hindi yung daliri ni Gen. Wahahahahaha! Tae, busy kami sa pag pic ng bawat food na dadating sa mesa. Oo, uso yun. Wag epal. Anyway, kahit puno na yung chan ko, tuwang tuwa pa din ako sa dessert na to. Parang yun din ang sukatan mo ng sarap ng food, yung sobrang na-appreciate mo sya kahit busog to the highest level ka na. Medyo kulang yung serving ng isang scoop ng ice cream kasi ang rich ng flavor nung half baked cookie. Bakit kaya half baked naisip nila? Tsaka, hindi kaya hassle hugasan yung board na nilalagyan? Naisip ko tuloy baka mali yung paghugas namin ng chopping boards sa bahay kasi ampanget na nila eh. O basta masarap! Promise. Mukha ngang uulit kame.
Salamat Genebib and Myds (na sobrang arte pa, sasama din pala!!!) sa pagsama akin at pagtupad ng cravings ko. Kaso leche kayong dalawa. Wala nang sinuportahang pangarap ko?! Bakit lahat ng friends ko eh Rebecca?! At yes, overweight na ko sa lightweight category. All time high at 59 kilos. Kung pano ako makakapag beach eh ewan ko pa. Mga bagay na di naman masyadong importante. I’ll be back to half-lightweight pag wala nang pang eat out.
Until next time ladies!