Talisay

2:46:00 PM

Napaka emosyonal ko habang pinapanood yung pag lagas ng dahon at pagbali ng mga sanga tuwing hahampas ng malakas na hangin yung puno ng Talisay sa tapat namin. 


Siguro ang nakakadurog ng puso ay walang ibang magagawa yung puno kundi harapin ang bagyo. Sana isa na lang syang Ent, para pwede syang magtago sa mas ligtas na lugar o kaya ay makakakapit ng husto para wag tangayin ng hangin. 


Pano pa yung mga alagang hayop na makakasilong sana o makakalikas sana sa mas ligtas na lugar pero di nila magawa kasi iniwan silang nakatali o nakakulong?


Pano pa yung mga may sakit o kapansanan na hindi kayang kumilos mag isa? 


Pano pa yung mga magulang na mag isa lang at kailangang iligtas ang sarili at mga anak nya?


Pano pa yung mga walang pupuntahan? Walang ikalawang baitang ang bahay? Yung kahoy at pawid lang ang bahay? Yung walang bahay?


Pano pa yung mga walang paraan para makahingi ng tulong? Yung hindi madaling marating ng tulong? Pano yung walang cellphone? 


Masakit sa puso panoorin yung puno ng Talisay mula sa bintana at wala kang magawa. Masakit sa puso mapanood sa balita yung mga apektado ng kalamidad. 


Kada bagyo na lang ganito tayo. Nakakataba ng puso yung malasakit at bayanihan pero mas nakakagalit na imbes na mapunta sa mga proyekto para sana maiwasan ang mga ganitong sakuna, para matulungan ang talagang nangangailangan, para wala nang makaranas ng kaba tuwing mabigat ang patak ng ulan, sa bulsa ng mga sakim napupunta. 


Siguro wala namang pakiramdam yung Talisay at malalampasan nya ang maraming bagyo na parating tulad ng mga dumaan na. Pero sana hindi na kailangan magtiis at mag hirap ng Talisay.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews