Julian at 10

6:54:00 PM

May 2017:


Julian: I'M SO EXCITEEEEEEEED!
Me: About what???
Julian: It's my birthday soooooooon!
Me: Ha? It's only May! Your birthday is in July pa!
Julian: Yeah I know! Ang lapit naaaaaaaaaa!

Jusko May pa lang eh ang lapit na daw ng birthday nya. Nakakaloka. So medyo ang hirap nya pakalmahin. I was never one to spoil Julian pero pag kasi napaka inosente ng excitement nya, ang hirap naman wag ibigay lalo na if kaya naman and he deserves it. So agreement namin, he bags two gold medals then may party sya. Eh ayun nga, nag gold ang magaling na bata so pa-party ang mayora at mga kapatid.

Effort kame talaga sa pagbili ng mga pang decor na yan sa Divisoria ha! Simple lang naman talaga ang plano pero I really wanted a dessert/snack bar kasi nga mga bagets. Parang lahat yan sa Divisoria namin binili. Naka magkano din ako ha! Budget ko 1k lang dapat, eh well lampas lampas kasi ang dami kong nakita. Pero keri, tuwang tuwa naman si Julian. 
Our DIY snack/dessert bar. Yung Hany talaga nagdala. Lol. 
Cake and cupcakes courtesy of Chicha Whale!
Excited pa yung mga bags sa loot bag. Lol. Eh kung ano lang naman laman nyan. Bought the yellow paper bags sa Divisoria then nag print na lang ako nung logo.
Mga walang pagod at sawa sa tubig.
Mga walking pasas pag balik sa room.
Wag palinlang. Ilang beses may nagsapakan dyan.
Ang mga bisita eh mga kasama sa judo and family. So early that day, swimming na agad mga bagets. Pizza muna at kulitan sa may living area. Maya-maya nagdatingan mga medyo mas mga may edad. Swimming lang ng swimming. Baba pag nagutom tapos swimming ulit.

Best decision na kumuha ng room na may pool. Unang una, may pool nga. Sunod, hindi ko kailangan maimbeyj na ang kalat o basa! Decor lang kame pag dating tapos food, tapos yun na. Before 10pm ata eh nanonood na kame ng Wonder Woman. Ganon kaaga. Kinabukasan eh Spiderman naman sa ATC. 

We love Parque. Bukod sa Alabang area, ang spacious ng rooms and affordable! Etong room nga lang namin eh for some reason lakas maka pang jowa ng lights. Super dim! Kaya lahat ng photos eh padiliman din. All in all we loved our stay. Super comfy ng bed, eh number one na requirement ko yan sa place. 

Maraming salamat sa lahat ng pumunta. Sa makukulit na mga bata na gusto ko ibitin patiwarik. Sa mga nanay na hilong-hilo sa mga bitbit nila. Maraming salamat Chong, ikaw talaga nag pa-bertdey eh. Inabuso ko yung pizza and chicken! Sa bonggang pa-cake and cupcake ni Chicha Whale, salamat! Salamat din sa pag-tour natin sa Binondo and Divisoria. 

Mga after 10 years ulit ang pa-bertdey ko sa batang to, nawiwili eh. Happy birthday Julian! We love you so much. Napakasarap mo naman i-spoil sa totoo lang kasi super galing mo maka-appreciate. Aba, ako na daw da best mommy. Anak, wala ka lang choice talaga. 

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews