What they don't tell you about getting a (non-pro) license at LTO Las Pinas

6:02:00 PM

First, yey to me because I finally have a non-pro license. Resibo nga lang kasi wala pang cards. Te-text na lang daw pag ready na.

Anyway, sana makatulong ang post na to sa mga may balak kumuha sa LTO Las Pinas. Di ko naman kasi alam kung pare-pareho ba ang process and chorva across all branches and offices.

If you're like me na Google muna before anything, eh di nakita mo na requirements and table of fees sa LTO site and ibang nag-blog about getting a license.

Aside from what's already written somewhere else, here's what else you should be ready for:

1. EXTRA FEES

Medical: 200 pesos. More on visual exam. Syempre obvious naman kung may kulang kang limbs. Ganito din ginawa nung kumuha ako ng student's license. Parehong-pareho naman ang form and price. Pareho din ng chineck.

Sabi sa gov.ph:


Syempre may sense talaga yung eye check. Pero weird na walang drug testing. Hindi din naman ako hiningan ng kahit anong certificate na negative ako sa use of abused substances. 

May nag try na bang gumamit ng health certificate na hindi galing sa doctor na andun sa LTO branch? Anyare? I didn't try to find out kasi wala akong oras. 

Dapat nga may psychological exam sa totoo lang. 
Medical Exam: 200 pesos
Practical exam car rental: 250 para sa kotse and 150 para sa motor. Pag kuripot na tulad ko syempre kung san pwede makatipid, don di ba? Eh may dala naman namin si Oli that time. So I asked if pwedeng yung kotse na lang namin. Aba 250 pesos din yun! Hindi daw pwede kasi walang break pads dun sa passenger side. Di na ko pumalag. Ang kashungaan ko lang eh hindi ko tinignan if may existing na break pads nga dun. Tapos wala pa atang 2 mins tapos na! Okay na din kasi nerbyos to the max ako. 
Car rental: 250 pesos

Ang published sa website ng LTO eh 585.26 lang total. Pero ang totoo:
Medical: 200
Car rental: 250
Application fee: 167.63
License fee: 417.63
TOTAL: 1035.26

2. BANYO: Wala akong issue sa pagbabayad as long as you get your money's worth. Kailangan mo magbayad ng 5 pesos kada gamit ng banyo. Okay lang kahit 20 pesos ba bayad. Jusko ang dumi, maamoy, wala pang lock ang cubicle, at ang basa ng sahig (delikado sa dulas).

3. OTHERS: Para sa banana cue, chichirya, at tubig. Kasi nakakaumay talaga maghintay at nakakaengganyo yung bagong luto na banana cue!
Zesto: 10
Nova: 35
Banana cue: 15

Overall, it wasn't as bad as I thought. Ready na ko mag stay dun ng buong araw. Kung dumating kame ng mas maaga, we were there ng 8am-ish, baka mas maaga kame natapos. Siguro natapos kame before 1pm, nakapag lunch na kame non.

Pumunta ng maaga, mag-charge ng phone, magdala ng powerbank, magdala ng kasama para may kachikahan ka, magbaon ng tubig, magdala ng pasensya, magbaon ng kutkutin, etc.

Hindi ko pala inabutan yung 5 years ek-ek. Hindi din ako nagtanong pero ang chika nung mga nasa harap ko eh Oct. 10 this year daw yun mag start. Saya no? Kaso masasakal na ko ng boss ko pag nag leave pa ko. Oh well.

I hope nakatulong naman ako ng slight. Ang sakin lang eh sana i-post nila ang totoong gagastusin mo pag andun ka na. Pano pala kung wala kang extra? Eh di balik ka nanaman? Hassle ha! At isa pa, hindi ba dapat naman eh may sasakyan silang pang practical exam talaga don? At sana push ang drug test, psychological exam, at mas matinding lecture sa road safety and correct driving. Araw-araw nakaka-highblood yung mga shunga na yan. Kainis.

Ayun lang! Good luck sa pagkuha ng license.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews