Julian’s 7th birthday part 2

5:26:00 PM

DSC_2322

Naka ilang birthday na si Julian sa Jollibee at palaging konti ang pumupunta. Ang ending, ang daming inuuwing food na sobra. After ng ikatlong chicken joy medyo mahihiya ka na kasi sa sarili mo at may umay factor na din. So this year, dalhin na lang ang food sa classmates.

Hindi ko masyadong naplano ang lahat! Kaya mga 7AM ng Monday, nagpa-panic na ko. Buti na lang ang galing din sa Jollibee samin kasi in ten minutes ready na yung lahat ng order, deliver na lang. So umabot kami sa recess time ng mga chikiting.

Pagdating ko sa school, asa labas pa lang ako ng building, “MOMMMMMYYYYYYY”. Sabay yakap ng makulit na bata. Sakto palang papunta daw sya ng C.R. Anyhoo, pagdating sa classroom, boom! Parang nagsabog dun sa loob ng lahat ng mga makukulit na grade 2 students. Sarap pingutin sa tenga isa-isa talaga. Pramis. Na-gets ko tuloy bakit parang pagod ang peg ni Teacher Charity eh 8 pa lang ng umaga.

Dahil nga ang kukulit, sabi ng teacher, “O let’s play the silence game. Pag maingay walang food.” Sagot nung isa, “Okay lang. May food naman ako.” Di ko sana talaga bibigyan eh. Yung isa naman, “Ay walang chicken?” Kasi nga spaghetti at soft drinks lang dinala ko chaka yung cookies na give aways. Sabihin ko sana kay Ate, “Aga aga chicken?! Bumili ka!”. Syempre napigilan ko naman bibig ko. Medyo kumalma lang sila nung may mga spaghetti na sa bibig.

Tuwang tuwa naman si Julian kasi kinantahan pa daw sya tsaka happy daw classmates nya dun sa food. Win! Ganito na lang pala dapat lagi.

Happy birthday ulit baby!

DSC_2321

DSC_2323

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews