Looking for our favorite
9:00:00 PM
Ang plano talaga today lalabas. Valentine's day shit. Pero dahil sabi namin eh madaming tao bukas, baka mahirap maghanap ng place, madaming mga nakakadiri at nakakainis na couples na nagkalat, etc., maaaburido lang kame so kagabi na lang.
Cupcake o cheesecake daw ang gusto nila. Si Jamie na-imagine ko agad ang concern, walang kanin don eh. Pero go pa din kame sa Larcy's. Bet na bet ang place! Lakas maka-romance and girly. Nakakahiya nga dumating don na naka tricycle. Picture taking galore kame muna syempre. Pagdating sa counter, wala na halos tindaaaaa! Ang pangarap na cheesecake ubos na. Hindi pwede yan.
Larcy's Cupcakery. Kabog sa hearts and pink na design.
Larcy's Cupcakery. Kabog sa hearts and pink na design.
So dahil wala nang mabili sa Larcy's, hanap na lang sa iba! Medyo field trip bago kami napadpad sa The Burgery. Madaming ganap sa BF pero "wala yung favorite namin". Okay naman yung place, cute at well decorated and arte lang ng lighting. Medyo limited ang space. Lumayas nga yung isang customer sa katabi naming table, magkasya lang kame. Affordable din naman pero para sa'kin walang masyadong special. Medyo win sa serving size. Hello lang sa order ni Nicole na chicken something with rice, suko sya eh.
Syempre hindi maubusan ng photo op!
Special mention ang order na to kasi nakakatuwa sa laki ng serving! Plus, mga ilang beses tinanong ang waiter kung ano yung red something, kung ketchup ba o ano. Hindi pala kasi kumakain ng ketchup tong si Nicole. Marinara sauce daw yun.
Fat Tony. Order ko. Buti na lang may bacon at hot sauce.
Parang birthday mo lang Trish o! Nakatayo talaga.
Habang inuubos ko yung utak ko sa pag add at divide sa bill, pose lang Yuwann.
At ang sistema, may isa-isang picturan daw pala dapat! Nakakaloka! Wala yung iyo Trish, ikaw photog eh. Hahahahahaha!
Nabulabog lang ang buong Aguirre street sa lakas ng bunganga (yes, kulang pag bibig eh) naming lahat. Effort makipagsabayan ang nanghihina kong katauhan at katawang lupa.
Sa mga ganitong lakad, hindi talaga dapat magpaiwan kasi syempre ikaw ang pag uusapan. Hahahahahahaha!
Happy Valentine's Day ladies!
Sa mga ganitong lakad, hindi talaga dapat magpaiwan kasi syempre ikaw ang pag uusapan. Hahahahahahaha!
Happy Valentine's Day ladies!
0 comments