Farewell, Carler!

11:40:00 PM

Despedida at year-end party rolled into one! Wala kasing budget masyado kaya ganon.

Ako na may separation anxiety. Hindi talaga mag sink-in ang lahat ng kaganapan until finally pagpasok ko eh wala na si Carler.

Missed the kainan sa office kasi well.. Ako na late. Feeling panauhing pandangal. Buti na lang very good ang mga tao at pagdating ko may binalot for me: sangkaterbang spaghetti, isang malaking tumpok ng chicken, at ISANG pirasong shanghai (alam na ang best-seller).

Labanan sa biritan talaga. Take note, pati mga walang karapatan bumirit (like me!), go lang!

Yung palagi nalang na mas malakas ang mga second voice kesa sa bida!

 


Kay Micah talaga namin pina-table ang mga bagets. Hahahahaha!

Yung totoo Baby Doll?

 Ang pinaka nakakaloka sa kainan eh may coffee station!

Hindi kailangang painumin bago ipahiya ang sarili sa videoke.

Boss namin. Yes, boss talaga namin.

Bakit nga ngumawa si Zhane?

Naks! Ang tamis!

Ang mga may karapatan kumanta!



"Oo sandali lang tayo dun!"
"Mga 2 or three hours pwede na!"
"Ilang buckets lang."

-- Ang mga kasinungalingang paulit-ulit naming sinasabi pag lalabas. Official uwian time: 3 fucking AM!



Dahil more yosi sa loob, tambay ako sa fire exit no. Fresh air eh tsakal less ingay dahil kesehodang i-raid kami ng mga pulis sa kaingayan, wa pakels talaga sa pagbirit. Akala mo walang ganap sa fire exit? Yan din ang akala ko but I was so wrong!

Hello Sir Paul! Sana mapanood to ng mga trainees mo, alaga, si Ms. A at Sir Armin. Hahahahahaha! This is why you don't want me sober sa mga ganap. Official photographer and taga record ng mga kahihiyan, at your service! Uy joke lang. Secret lang natin to at ng buong company.

P.S. Tongue tied at nabobo talaga ko sa usap na to ha.

Sa uulitin! Sana hindi na dahil sa meron nanamang 'lalaya'. At sana wala nang buwis buhay na pag-uwi. Mga leche.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews