Nakakasuya na Napoles ha
4:03:00 PM
Nakakairita ang mga Social networking sites LALO na pag:
A. may beauty pageants (kapit kamay sa Q and A portion!)
B. basketball (recently yung FIBA, bago yun yung NBA)
C. game requests (at ang yabang ko ilagay to kasi hindi na ko naglalaro)
D. nagpopost ng selfie ang mga PANGET (ako ngang magandang babae, hindi masyado nagpopost, yung panget eh may isang album na 100+ photos ang laman)
E. super duper mega bagyo o ulan
F. Miley Cyrus
G. tungkol sa local politics
Nakakainis kasi lahat bida, expert, may masabi lang, puro sakay sa bandwagon, etc. Para bang ikamamatay pag hindi makapag comment o status o update ng uso? Hindi ko na nga kailangan manood ng balita (well, thank you sirang TV hindi talaga ko makakanood), baha ang Twitter at Facebook. Mas masaklap, pag punta mo naman sa TV para sa 'tunay' na balita, madaming galing na info sa Twitter at Facebook.
Eh 'flavor of the month' si Napoles. Pasalamat sila Chito at Neri, nawala na yung spotlight sa scandal nila. Nakakatuwa naman yung rage ng mga tao sa pork barrel scam. At least kahit kunwari lang, nakakarating sa mga walang alam yung balita. Madaming sumali dun sa rally nung Monday, sangkatutak ang mga nakakatawang meme tungkol sa issue, lahat bad trip! Tapos? Yun na! Ikulong sila?
Nakakairita kasi more dakdak, reklamo, rally, against the issue pero sino ba mga binoto mo kasi? Kayo naglagay ng mga sinungaling at kurakot na yan di ba? Eh what's done is done. Nakaupo na sila! Patalsikin mo man, nagdusa na yung nagdusa dahil yung perang dapat nakatulong sa kanila eh napunta na sa bulsa ng iba.
Syempre hindi naman simple yung issue. Kumplikado hindi dahil sa dami ng involved na matataas na tao o dahil sa laki ng perang kinurakot. Kumplikado kasi dikit-dikit yung problema, mahirap solusyunan kasi iba-iba yung pinanggalingan at pinupuntahan.
Sa mga bet ang makibaka, mag-air ng opinyon nila, mag like at mag share, go lang. Ako? Magbabasa at mag-aaral. Iboboto yung tamang tao sa eleksyon. Tuturuan yung anak ko na hindi porket sikat, keri na. Magbabayad pa din ng buwis (hello, matic sa accounting ang deduction no, no choice naman talaga). Basically, wag na dumagdag sa grupo ng mga engot. Hayaan na sa iba ang spotlight pero gawin mo na lang yung part mo.
Haba! Konti pa sulat na ko sa MMK! Charot!
Kthnxbye!
0 comments