May Grade 1 na kame!

2:30:00 AM

Ako na tumatanda! Oh well. Kame palang lahat.

PhotoGrid_1371456071133[1]
Julian: Momsh, gusto ko yung gupit pogi ah?
Mas excited pa ko sa pagbili ng mga to eh.


Julian,

Good luck baby! I know very good ka sa school and your classmates are more makulit and salbahe. Sana wag ipatawag si Momsh ni Teacher, unless good news kasi alam mo na kung san kita banda isasabit di ba? Napag-usapan na natin 'to.

I promise to be more patient with helping you do your homework. Pero kasi kailangan mahigpit si Momsh kung hindi sa kangkungan ka pupulutin. Alam namin very good ka, (galing mo mag Youtube eh) and hindi naman magagalit si Momsh kung hindi ka number 1 sa klase basta hindi ka kamote (or last). Sorry kung paulit-ulit ka pinagpa-practice magsulat kasi bukod sa gusto ko maganda sulat mo, sabi nung book ni lola about handwriting, pag maganda sulat, maganda future. Joke lang pero yun ang sabi ng book, hindi naman natin susundin yon syempre. Talaga si lola kung anu-ano binabasa!

Dapat din ubusin ang pinapabaon kasi effort ka pabaunan! Hindi naman nasasayang pero si Tita Wel ang uubos non sige ka. Lagi na lang si Tita Wel busog.

Wish ni Momsh, galingan mo mag-aral. Pero bukod dun, gusto ko ma-enjoy mo yung school. Magkaroon ka ng madaming (matino) na friends. Yung pag ginising mo si Momsh, kekwentuhan mo ko ng ginawa nyo. Kaya baby, dapat alam mo na yung names ng classmates mo. Hindi pwedeng puro 'bata' ang tawag mo sa kanila or yung si 'mataba' o 'payat'.

At tandaan, sa bahay pa lang mag banyo na para maiwasan nating ma-chismis ka forever. Bukod sa mga matatalino, pogi o maganda sa klase, ang pinaka hindi nalilimutan eh yung natae sa classroom. Ayaw natin yan. Habang buhay mong dadalhin. Kaya wag maiinis kay Mama Baby pag sinasabihan ka na mag-CR muna habang asa bahay.

One day, mababasa mo tong sulat na Momsh and siguro corny na by that time (subukan mo lang) pero ngayon, eto yung feeling ko na dapat mong tandaan. I'm sure madami pa kong nalimutan pero anong petsa na gising pa si Momsh. Pagagalitan mo nanaman ako bukas pag matagal ako gumising. Next time na yung iba!

We love you baby!
Momsh

P.S. Thank you sa Tita Len and Tito Kim foundation. Pati na kay Lolo Toona and Lola Tet sa baon and shopping. Tito Jigs, temporary service. Mama Baby sa araw-araw na imbyerna sa pag-ready pagpasok. And Tita Wel, taga ubos ng baon.
****
Sorry naman sa panget kong Taglish. Siraan ng body clock at utak lang eh. Next time na ang maayos.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews