To Tetet

11:41:00 PM

Happy Mother's Day!

Kahit ganyan ka, ganyan ka na talaga! Joke lang. Sabi ko naman sa'yo, ayusin mo yung pagtanda mo kung hindi, tapon ka namin sa home for the aged! Ngayon pa lang pakabait ka na sa'men. Joke lang.

Weng, ganda mo dito pramis!
You're easily the most influential person in our lives, mine, Len's, Jewel's, Jig's, (sama mo na si Julian), the good, the bad, the best, the worst.

We could have caused havoc if we had a different mother. Thank you for waking us up and beating us to train everyday. For making us realize that it's not about the money but loving what you do. And that kindness and righteousness, although the most difficult options, are your best choices when dealing with difficult people.

We were never the perfect family and I'm sure there were lots of times when we have all wished that things were different. But after some time, I realized that how you dealt with us is the best way to raise four difficult children. Thank you making us tough. Thank you for treating us maturely. Thank you for making us bad ass.

Pinag uusapan namin non na bakit hindi ikaw yung nanay na mahilig sa make-up, damit, at sapatos. Eh di sana ang dami naming minana na gamit or skills sa pag-aayos. Puro jogging pants, jacket, rubber shoes, at gi ang meron sa bahay. Hindi pag blower kundi pag tirintas o pagtali na hindi madaling matanggal. Hindi spa pero yung pagligo bago at matapos maglaro para hindi nakakahiya sa ka-partner. Hindi make-up kundi athletic tape, foam, knee pads (at kung ano-anong pang suporta) ang alam namin gamitin. Hindi mga bag o sapatos kundi belt, bagong gi, midrib, or track suit.

Salamat at hindi kami naging superficial na mga babae. Sandali lang at madaling matutunan mag ayos pero hindi ang pagbalibag o pagbali ng buto, taon ang binilang natin at buti na lang talaga mas una naming natutunan yon. Salamat at nagiging napaka tatag at tibay (lalo na ng mga pagmumukha!) namen.

So mader! Ikaw na! Kala mo lang inaapi ka namin. Akala mo lang yun! Kami lang pwede umasar sa'yo at mangbwisit. Pag may ibang umapi sa'yo, alam na alam mo kalalagyan ng mga yan. Kill yan agad.

Dahil mother's day, may free lessons ka sa kamalditahan from us!!! Yey!!!

We love you Tetet.

P.S. Dahil natuwa ka sa post na 'to, wag mo ko kulitin ha? Kthnxbye!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

View my food journey on Zomato!

Total Pageviews