My skinny jeans were so... Skinny. |
Usapan namin one movie a month lang. Kasi syempre maarte kame, gusto namin sa maganda. At ang food di pwedeng wala. So kailangan mag limit. Kakanood lang namin ng Civil War last week, aba X-men naman daw. Todo pigil pa ko kaso wala eh, ang rupok ko!
May appointment kame ng 10pm sa Eastwood nung Friday na yun. It only made sense na dun na manood. Ang panget lang sa Eastwood mall walang online reservation. Punta ka pa dun ng maaga, hassle. Anyhoo, 7pm yung kinuha naming time kasi daw 2 hours and 30 mins ang movie. Sakto!
Ang maganda nyan, galing pa ko ng office sa Alabang lang naman. Confident pa ko na 4pm pag-out ko andun na ko on time. Ayun 4pm sakto labas na ko. 5:30 pm eh Buendia pa din ako. More away na kame kasi sa lupet ng traffic di ako aabot! Sayang ang tickets!
Buti na lang naisip nitong Pauly na mag request ako ng Grab Bike. Yes, sumakay ako ng motor from Buendia MRT station to Eatswood Mall. Napakagaling nung driver! Napapapikit na ko kasi more singit talaga sya sa pagitan ng mga naka hintong sasakyan. Lahat ng dumi ng kalsada eh niyakap ko. Kebs basta umabot!
Sa galing ni kuya, nakarating ako ng 6:45pm! Mangiyak ngiyak ako sa tuwa. Dinoble ko na bayad ko kasi grabe lang! 130 lang yung bill eh. Ano ba naman ang dagdagan ang bayad versus sa kung di ako umabot. Bukod sa sayang ang tickets, warla malamang!
First time namin manood sa Eastwood Mall at namangha naman kame. Lazy boy ang seats tapos one to sawa ang drinks at pop corn. Etong kasama ko, hindi pa simula ubos na agad isang round ng popcorn nya. Naka tatlo ata sya. Sinulit talaga! Ayun di na sya makapag dinner after sa kabusugan.
Ayun na nga ang X-men. Medyo wala kameng kwenta manood kasi the entire time sabi kame ng sabi na:
- Ay mas maganda yung dating cast.
- Bakit si Sansa si Jean?!
- Panget ni Apocalypse
- Mas okay yung dating nightcrawler.
- Si Jubilee ba yun?
- Ooohhhhhhh kaya pala nakalbo si Professor X.
- Ang tagal ni Ate. Kanina pa nakataas kamay ko for popcorn eh.
- Ay bakit di nakahubad ng bongga si Wolverine?!?!
Halatang di kame fan ng X-men. Hindi ako na-wow. Siguro kasi ang alam kong magandang part ng X-men eh malalaki na sila. Nice malaman yung history pero syempre ang dami ng di na-capture ng movie. Tapos andun yung mga issue na, ganon lang natalo si Apocalypse?!?! At medyo weird pano na-recruit si Storm. Lalo na yung part na nailigtas lahat dun sa mansion nung sumabog. Iniisip namin kung sino mabilis sa kanila ni Flash. Basta ang daming moment na nawawala yung atensyon ko sa movie.