Ganito pala yung pakiramdam ng mga imortal. Sa halos limang taon ko dito, lahat ng dumating at umalis naabutan ko. Maraming di ko man lang naramdaman o napansin pero marami rami din yung eksena kasi nga naman lagpas otso oras kayong magkakasama. Dati pa, anim na beses isang linggo kame magkakasama. Medyo kasuka at umay na sa isa’t-isa nga eh sa sobrang dalas na magkakasama. Ilang birthdays, celebrations, krisis, chimis, away-bati, at issues ang pinag daanan nyo. Isama mo pa yung mga milestones sa buhay-buhay ng isa’t isa.
Ano bang dapat maramdaman mo pag ang isang tao na nakasanayan mong makita halos araw-araw eh umalis na for good? Umalis. For good. Conflict eh. Umalis pero for good. Tapos anong sasabihin mo sa kanya? Hindi ako magaling sa mga ganito kasi. Feeling ko hindi naman masama yung mga ganito. Malungkot oo, pero hindi masama. Weird naman ng tribute kasi di naman na-deads.
Pano ba i-address na one of my oldest colleague and friend at work left the company na? Do I say good luck? I’ll miss you? You should’ve stayed? It’s great you finally decided to spread your wings? I really have nothing substantial thing to say that would make any impact on said person’s life. Not that I badly want to make any. Parang pag birthday tapos kakantahan ka na nila ng birthday song, di mo alam gagawin mo sa sarili while they’re singing? Ganito ang feeling ko ngayon. Does that make any sense?
So Jamwuah! Peste ka may immediate ka pang nalalaman! Hindi kame handa! I was looking for pictures natin para alam mo na and good gahd! The crazy shit we’ve been through!
I remember during training, we were asked to sit-in and observe. Eh bibo lahat dun sa batch. Nakakatuwa! More sagot! Kahit anong itanong. Napunta sa adverb. Tapos magbigay daw ng examples. Halos lahat words ending in ly. Naalala mo ba anong example sinabi mo? “Lovely!”. Natawa kameng lahat kasi excited ka pa! Competitive. Tapos pagdating sa floor, binigay yung link sa site. Medyo mahaba ah. Nung tinanong kung sinong naka-kabisado, taas ka kagad ng kamay!
Since hindi ako magaling sa mga ganito, salamat na lang kasi lagi kang bibo. Hindi magpapatalo. Sa kahit ano! Salamat sa pagiging loka-loka at pag tolerate sa madaming beses na baliw-baliwan ako. Sa pag survive ng payday to payday with us. Sa pagpapakamatay sa Korean bbq and kung anu-anong food trip. Ang importante may kanin.
Napaka dami pang sasabihin pero tinatamad na ko at as if naman hindi na tayo magkikita. Kwentuhang walang humpay sa muling pagkikita natin!
P.S. Chura natin o!