Love month?

8:00:00 AM

May I just say 'pwe'?

Okay. So sabi ko papakabait na ko kaya totodo ko na kasamaan ko sa first post ever ko in Tagalog sa loob ng mahabang panahon! Bwahahahaha!

Kung friend kita or stalker ko sa twitter (sorry naka-private na dahil sa mga echosera at feeling) o facebook, ramdam na ramdam mo ang mala-ampalaya kong bitterness. Gaano ka-bitter? Pag may mga magjowa sa jeep (actually kahit saan), kulang na lang talaga sabihan ko ng: "Bawal sweet-sweetan dito!" Or "Upong single lang te, kuya."

Yep, never ko naman tinago o kinahiya yan. Anyhoo, after ilang nakakahiyang buwan ng pagiging sawi syempre wala akong ginawa kundi mag-isip ng dahilan bakit puro ako kasawian di ba?

Naisip ko, baka kaya ako malas kasi ang sama ng ugali ko talaga. Kaya simula ngayong Pebrero, magpapakabait na ko. Pero leche talaga ang ibang tao. Papakabait ka na eh, Friday night, busy ako sa Bubble Gang, Chefville, at pag-nguya tapos kaliwa't kanan ang birit ng mga very loving neighbors mo ng punyetang "Pusong Bato". Iba't-ibang version pa ang mga leche!!!

Isa pa, merong pusa na napadpad sa'min. Feeling ng bwisit eh pet na namin sya. Gago din kasi tong mga kapatid ko, biniyagan ng pangalan (Mimiw), ayan feelingera tuloy. Okay lang sana pero pag uwi ko one day, amoy impyerno sa kwarto! Yun pala, tumae and ihi sa ilalim ng kama ko ang bwisit na Mimiw! At ang dame talaga. Not just once, but twice! Sorry sa mga pusa lovers dyan pero nag please ako kay pudra na kitilin na ang buhay ni Mimiw since hindi sya maligaw-ligaw.

Paano ako magpapakabait:

1. Deadma na sa mga ate at kuya na over sa lampungan sa jeep.
2. Deadma na sa mga ate at kuya na nag duet pa sa videoke (pero pag "Pusong Bato" ang kinanta nila, tangina talaga)
3. Hindi ko na papansinin ang typo at spelling erros ni Ta Din.
4. Or ang pagka bingengot ni Jamie

Bey: Gusto ko yung 25 Minutes na kanta.
Jamie: Mali!
Bey at ako: Mali?
Jamie: Anong 24? 25!
Ako: Gago, 25 sabi ni Bey!
5. Pati na ang pronunciation slips ng officemates (Nepalis, Taj Mehel, Reeeeedit)
6. Papaligaw ko na lang si Mimiw, di na kill.
7. Hindi ko na itatago ang tabo sa garahe para magamit na sya ng kapitbahay.
8. Less mura.
9. Hindi na ko makikipagtagisan ng kabalbalan sa text.
10. Mag "no" right away sa mga umaaligid na frogs at wag na sila siraan ng bahay sa friends.

So ewan ko kung paano ko gagawin yan pero dapat maging decided na ko! Bait-baitan month for me.

Oh and fuck Valentine's. Overrated na nga ang love, lalo na ang araw na yan.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Total Pageviews